^

Punto Mo

Bagong speed record habang sakay ng ‘tuk-tuk’ naitala sa UK

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

WALANG pagsidlan ng tuwa ang isang lalaki sa United Kingdom matapos niyang maitala ang pinakamabilis na takbo ng isang “tuk-tuk’’, na bersyon ng tricycle sa Thailand.

Naitala ng 46-anyos na si Matt Everard ang bilis na 119.583 kilometro kada oras sa Elvington Airfield na malapit sa lungsod ng York.

Kinailangan niyang mahigitan ang 110 kilometro kada oras na itinakda ng Guinness World Records.

Base sa patakaran ng Guinness, kailangang may nakasakay sa likuran ng “tuk-tuk” kaya nagprisinta ang kanyang 49-anyos na pinsan na si Russell Shearman bilang pasahero.

Binili ni Everard ang kanyang 1971 Bangkok tuk-tuk sa eBay noon lamang 2017 para raw mayroon siyang nakakatuwang masasakyan paikot ng kanilang lugar.

Nasa £20,000 (katumbas ng P1.3 milyon) na ang nagagastos ni Everard sa kanyang “tuk-tuk” kaya upang ma-bigyang katwiran ang halagang ito sa kanyang asawa ay naisipan daw niyang magtala ng bagong world record gamit ang sasakyan.

vuukle comment

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with