^

Punto Mo

Police station sa Paris, isinara dahil sa pulgas!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KINAILANGANG lumikas ang mga pulis sa kanilang station sa northeastern Paris noong nakaraang Linggo matapos pamugaran ng mga pulgas.

“Police station closed until further notice!” ayon sa karatulang nakapaskil sa pintuan ng station, na matatagpuan sa ika-19 na distrito ng Paris.

Bigo ang mga pulis na makagawa ng paraan para makontrol ang pagkalat ng mga pulgas kaya marami sa kanila ang nangangati matapos makagat ng ilang beses.

May iba pa ngang nagdala ng pulgas sa kani-kanilang mga tahanan dahilan upang mahawa ang ilan sa anak ng mga pulis.

Kaya naman hinihiling ng unyon ng mga pulis sa pamahalaan ang pagde-infest sa station bilang solusyon sa problema sa pulgas.

Nakatakdang makipagpulong ang unyon kay Interior Minister Christophe Castaner, na plano nilang putaktihin ng reklamo ukol sa paglusob ng pulgas sa kanilang station.

vuukle comment

INTERIOR MINISTER CHRISTOPHE CASTANER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with