^

Punto Mo

Lalaki sa Florida, tinangkang isangla ang 7 ½ buwan na anak

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Florida, USA ang pumasok sa isang sanglaan at ipinatong ang kanyang bitbit na sanggol sa counter at ayon sa mga pulis, nagtanong kung magkano ba ito maisasangla.

Dagdag pa raw ng lalaki, na kinilala na si Richard Slocum, na “barely used” ang kanyang pito’t kalahating buwan na anak.

Ayon sa may-ari ng sanglaan na si Richard Jordan, seryoso raw si Slocum nang tanungin siya nito kung maari ba niyang isangla ang kanyang anak.

Dahil nag-aalala siya sa kapakanan ng sanggol, tinawagan kaagad ni Jordan ang mga pulis matapos umalis ni Slocum.

Si Slocum na mismo ang kumontak sa mga pulis nang malaman niya sa social media na pinaghahanap na ang isang lalaki sa kanilang lugar na nagtangka raw mag­sangla ng kanyang anak. Agad namang nagdatingan ang mga kinauukulan sa kanyang tahanan.

Nagpaliwanag si Slocum na biro lamang daw ang kanyang ginawa at bahagi lamang daw ito ng isang practical joke para sa kanyang Youtube channel.

Nagpasya naman ang mga pulis na huwag sampahan ng reklamo si Slocum matapos makita na nasa maayos namang kalagayan ang sanggol na muntik nang “isangla”.

vuukle comment

RICHARD SLOCUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with