^

Punto Mo

EDITORYAL - Ekslusibo lang para sa mga Chinese, grrr!

Pang-masa
EDITORYAL - Ekslusibo lang para sa mga Chinese, grrr!

NAKAKAGIGIL ang report na may mga restaurant umano sa Parañaque na ang sinisilbihan lamang ay mga kapwa Chinese. Pinagbabawalang pumasok ang mga Pinoy. Para lalong maipaalam ng may-ari ng restaurant na sila’y hindi nagsisilbi sa mga Pinoy, nilagyan ng karatula ang pintuan na may Chinese characters.

Una nang napabalita na marami ring establishment sa Palawan na pag-aari ng mga Chinese ang gumagawa ng ganito. Ilan sa mga ito ay restaurant na nagsisilbi ring casino kung saan ay may on-line gaming. Bawal pumasok dito ang mga Pinoy.

Malaking insulto ito sa mga Pilipino. Saan naman nakakita na sa sariling bansa ay pagbabawalan ng dayuhan na pumasok sapagkat para lang ito sa kapwa Chinese. Hindi dapat mangyari ang ganito na tila niyuyurakan na ang pagkatao ng mga Pilipino.

Nararapat mag-imbestiga ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa report na ito. Mukhang nalulusutan na sila sapagkat marami nang napapabalita na pati ang mga maliliit na sari-sari store ay pinapasok na rin ng mga Chinese. Sa Boracay halimbawa, may mga maliliit na tindahan umano roon na pag-aari ng mga Chinese. Nakikipagkumpitensiya ito sa mga tindahan ng mga lehitimong Pinoy na may permit at may kaukulang lisensiya mula sa city hall.

Tiyakin ng DOLE na sumusunod ang mga Chinese sa batas. Ang batas ay para sa lahat at dapat itong ipasunod. Siguruhin na ang mga establisimentong pag-aari ng mga Chinese ay may kaukulang permit at dumaan sa masusing pagsisiyasat. Sa batas, 40 percent lamang ang pinapayagan para makapagmay-ari ng negosyo ang dayuhan sa bansa. Kailangang mas malaki ang porsiyentong pag-aari ng mga Pinoy. Maski sa pag-eempleyo ay mahigpit na pinagbabawalan ang mga dayuhan. Dapat mga Pinoy ang lubos na makinabang bago ang mga dayuhan.

Gawin ng DOLE ang kanilang trabaho at huwag hayaang malusutan ng mga Chinese na nagtatayo rito ng negosyo at nagtatrabaho pa ang karamihan sa kanila. Hindi lamang ang DOLE ang dapat kumilos kundi pati na rin ang Department of Trade and Industry (DTI). Inspeksiyunin ang mga restaurant kung sumusunod ang mga ito sa patakaran.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with