^

Punto Mo

100 nakasinding kandila, isinubo para sa world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ang isang lalaki sa Idaho ng kanyang ika-100 Guinness World Record nang napagkasya niya ang 100 nakasinding kandila  sa kanyang bibig nang sabay-sabay.

Pinagkasya itong lahat ni David Rush sa kanyang bibig sa TEDxBoise event. Dati na siyang nakapagtala ng world record, nang kainin niya ang pinakamaraming butil ng mais sa loob ng 3 minuto.

Makikita sa kuhang video ng world record attempt ni Rush ang paglalagay niya ng mga kandila sa kanyang bunganga bago sinindihan ang mga ito ng sabay-sabay ng isa sa mga miyembro ng kanyang support team.

Nanatili ang mga kandila sa bibig ni Rush ng buong 30 segundo.

Nasa 41 kandila ang dating world record, na naitala noon lang 2018 ni Dinesh Shivnath Upadhyaya ng Mumbai, India.

vuukle comment

WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with