^

Punto Mo

Cellphone ng babae na nahulog sa dagat, ibinalik ng balyena na sinasabing ‘Russian spy’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG beluga whale sa Hammerfest, Norway na pinaghihinalaang sinanay sa Russia bilang spy ang nagbalik sa cell phone ng isang babae na aksidenteng nahulog sa dagat.

Nagpunta si Ina Mansika noong Mayo 6 sa Hammerfest para lang makita ang sinasabing “Russian spy” na balyena nang mahulog ang cell phone niya sa tubig.

Inakala ni Ina na hindi na niya makukuha pang muli ang kanyang cell phone kaya laking gulat niya ng sinisid ng beluga whale ang cell phone at kinuha ito mula sa ilalim ng dagat upang maibalik sa kanya.

Lumitaw ang balyena sa Norway nito lamang nakaraang linggo habang suot ang isang harness na may nakasulat na“Equipment of St. Petersburg.” Ayon sa mga Norwegian scientists, posibleng sinanay ang balyena ng Russian military.

Bagama’t hindi pa kumpirmado ang haka-hakang ito, pinaplano nang ilipat ng mga opisyal sa Norway ang beluga whale sa isang marine sanctuary sa Iceland.

 

vuukle comment

CELLPHONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with