^

Punto Mo

Holdaper ng banko, ginawang getaway driver ang walang kamalay-malay na ama

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Maine, USA ang nangholdap ng banko at ginawa pang getaway driver ang walang kamalay-malay niyang ama.

Ayon sa mga pulis, ibinaba ni Keith Tilton ang kanyang 39-anyos na anak na si Joseph Donald Tilton sa isang banko sa Lewiston sa paniniwalang magpapapalit lang ito ng tseke.

Ang hindi alam ni Keith, sa loob lang ng ilang minuto ay naholdap na pala ng kanyang anak ang banko.

Matapos ang kanyang panghoholdap, sumakay muli si Joseph Donald sa sasakyan ng walang kamuwang-muwang na ama at nagpababa sa ibang bahagi ng bayan.

Dahil nga walang kaalam-alam sa mga pangyayari, du­maan pa si Keith sa harapan ng banko kung saan siya pinara ng isang pulis na nakilala ang sasakyan niya.

Bagama’t inaresto si Joseph Donald sa salang panghoholdap ng $620 (katumbas ng 32,290), hindi na sinampahan ng reklamo ang kanyang ama.

vuukle comment

KEITH TILTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with