^

Punto Mo

EDITORYAL - Tuyot ngayon, baha bukas

Pang-masa
EDITORYAL - Tuyot ngayon, baha bukas

NALALAPIT na ang tag-ulan, sabi ng PAGASA. Sa huling linggo umano ng Mayo ay magsisimula na ang pagpatak-patak. Hanggang sa tuluyan nang bumugso at magdudulot na ng pagbaha. Kung tuyot ngayon, baha naman ang haharapin bukas.

At hindi lang basta baha ang nararanasan sa bansa kundi mapaminsalang baha. Kung tuyung-tuyo ngayon, babawiin ito at sobra-sobra namang tubig-baha ang ibibigay sa mga tao na halos may mga malunod na.

Karaniwan na ang pananalasa ng baha at hindi ito maiiwasan. Lahat ay magdaranas nito. Pero maaaring padaliin ang paghupa nito para kakaunti ang dama­ges sa mamamayan.

Isa sa maaaring gawin ay ang paglilinis ng mga imburnal, kanal at mga esterong sandamukal ang nakabarang basura. Ang mga basura ang dahilan kaya walang madaanan ang tubig.

Namumutiktik sa basura ang mga drainages kaya sa kalsada humahantong ang tubig-baha. Matagal bumaba ang tubig sapagkat walang mapuntahan dahil sa tambak ng basura.

Ngayon ang pinakamainam na panahon para linisin ang mga baradong imburnal. Maging prayo-ridad sana ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

May malaking papel ang MMDA lalo na sa mga estero na madalas pagtapunan ng mga basura. Kadalasang ang mga iskuwater na nakatira sa mga pampang ng ilog at estero ang nagtatapon ng mga basurang plastic.

Ang mga basura namang ito ang humahantong sa Manila Bay. Sa kasalukuyan, nililinis ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Manila Bay. Pero mawawalan ng saysay ang kanilang paglilinis kung patuloy ang pagtatapon ng basura   sa mga ilog at estero.

Maaaring malunasan ang pagbabaha sa Metro Manila kung madidisiplina ang mamamayan sa pagtatapon ng basura. Dapat maipamulat sa lahat na ang mga basurang itinapon sa kung saan-saan lang ay magdudulot nang malaking problema at lahat ay apektado.

Paghandaan ang baha. Magsimula sa paglilinis ng baradong kanal at drainages at simulan din ang pagdisiplina sa sarili na huwag magtapon ng basura. Magkaroon na ng leksiyon sa mga nakaraang baha.

vuukle comment

BAHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with