^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi na kaya ng suweldo ang mataas na bilihin

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi na kaya ng suweldo ang mataas na bilihin

SA kasalukuyan, ang daily minimum wage sa Metro Manila ay P537. Kung susumahin, mahigit itong P16,000 sa loob ng isang buwan. Pero sabi kamakailan ng pamahalaan, maaari nang mabuhay sa suweldong P10,481 ang pamilyang may limang miyembro. “Out of poverty” na raw ang pamilyang kumikita ng ganito sa isang buwan.

Sa sinabing ito ng pamahalaan, malamang na walang maaasahang increase sa sahod ang manggagawa bukas, Mayo 1. Bakit pa magbibigay ng karagdagan kung kaya naman pala ng isang pamilya na may limang miyembro ang P10,481? Tiyak na iisa ang sasabihin, malulugi ang mga kompanya kapag nagbigay ng dagdag sa suweldo. Ikakatwiran naman ng mga kompanya na baka magsara sila kung pipili-ting magbigay ng increase.

Nakapagtataka lamang kung paano nasabi ng pamahalaan na “out of poverty” na ang pamilyang may limang miyembro na kumikita ng P10,481. Kahit anong gawing pagkuwenta, hindi mapagtama kung paano mapagkakasya ang halagang ito. Maaari ang halagang ito sa nag-iisang namumuhay pero sa limang miyembro ng pamilya mahirap ito.

Humihiling ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na gawing  P710 ang minimum wage sa Metro Manila. Ito anila ang tamang sahod araw-araw ng mga manggagawa para mabuhay ang kanilang pamilya. Wala na anilang nabibili ang P537 na minimum wage ngayon dahil sa pagtaas ng mga bilihin. Nagtaas ang bilihin dahil sa pinairal na TRAIN law na ang pumasan ay ang mahihirap.

Walang tigil ang pagtaas ng gasolina at lalo pang tumaas dahil sa pinataw na excise tax noong Enero. Halos linggu-linggo ay may pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel. At nagbanta naman kamakailan ang transport groups na magtataas sila ng pamasahe. Nag-anunsiyo rin ang Meralco na magtataas ng singil sa kuryente.

Pakinggan ang hinaing ng mga manggagawa na gawing P710 ang minimum pay. Kailangang makasunod ang kinikita sa presyo ng mga bilihin at iba pang pangangailangan.

vuukle comment

MINIMUM WAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with