^

Punto Mo

Australian barista, nakagawa ng 420 tasa ng kape sa loob ng 1 oras

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Australian barista ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record nang nakagawa siya ng 420 taas ng cappuccinos sa loob lang ng isang oras.

Dahil dito, nakuha ni Liza Thomas ng Queensland ang world record para sa pinakamaraming cappuccinos na nagawa sa loob ng isang oras ng isang indibidwal, ayon mismo sa Guinness World Records.

Sinunod ni Thomas ang mga patakaran upang opisyal na kilalanin ang kanyang world record, kabilang na ang paggamit ng coffee machine na mabibili ng kahit sino sa merkado.

Karaniwang nasa apat na tasa lang ang nagagawa ng coffee machine na ginamit ni Thomas pero sa tulong ng kanyang galing at pamamaraan, nasa pitong tasa ang nagagawa ng coffee machine kada minuto.

Wala namang nasayang sa 420 tasa ng kape na nagawa ni Thomas dahil ipinamimigay niya ang mga ito sa mga nagmamasid sa kanyang world record attempt.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

LIZA THOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with