^

Punto Mo

Paghandaan ang tunay na ‘The Big One’

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

ISANG high school teacher ang umamin sa akin na nang mang-yari noong Lunes ang 6.1 magnitude na lindol, dali-dali siyang tumakbo papalabas ng gusaling kanyang kinaroroonan, sa halip na gawin ang “duck, cover and hold” na natutuhan niya sa maraming mga earthquake drills na kanyang sinalihan.  Ang epicenter ng lindol na ito’y ang Castillejos, Zambales, ngunit ang pinakamalubhang napinsala ay ang Porac, Pampanga, kung saan may mga namatay at nasugatan sa pagbagsak ng isang apat na palapag na grocery store.

Ang malaking tanong, nakahanda ba ang gobyerno, at higit sa lahat, ang karaniwang mamamayan sa pagtama sa Metro Manila ng kinatatakutang “The Big One” o 7.2 magnitude na lindol bunga ng paggalaw ng West Valley Fault? Ayon sa pag-aaral na ginawa noong 2004 ng Japan International Cooperation Agency (JICA), ang fault na ito’y gumalaw ng apat na beses sa nakaraang 1,400 taon o tuwing ika-350 taon na nagresulta sa malalakas na lindol.  Sapagkat wala itong naging paggalaw sa nakaraang 350 taon, maaari itong gumalaw sa lalong madaling panahon. 

 Ayon sa pag-aaral ng JICA, kapag naganap ang “The Big One,” narito ang inaasahang mangyayari sa Metro Manila: 40 porsiyento ng kabahayan at 35 porsiyento ng mga gusaling pampubliko na tulad ng mga ospital at eskwelahan ang babagsak; masisira ang mga tulay, mawawasak ang power, water at telecommunications lines; at ang pinakamalala, 34,000 tao ang mabilisang mamamatay, 114,000 ang masusugatan, at karagdagang 18,000 ang mamamatay dahil sa malawakang sunog. Kakila-kilabot, tila isang bangungot, ang maaaring mangyari!

Labing-limang taon na ang nakaraan nang lumabas ang pag-aaral ng JICA.  Ano na kaya ang mga paghahandang ginawa ng gobyerno, bukod sa pagsasagawa ng mga earthquake drills? Naging mahigpit na ba ang mga requirements sa pagpapatayo ng mga gusali?  Nasuri na ba ang tinatawag na “structural integrity” ng mga kasalukuyang gusali?  

 

 Sa kabila ng makabagong siyensya, hindi pa rin mahulaan ang pagdating ng lindol. Sa Mateo 24:7 ay sinabi ni Hesus na ang mga giyera sa pagitan ng mga bansa, ang paglaganap ng kagutuman at ang paglindol sa maraming mga lugar ay mga palatandaan na nalalapit na ang wakas at ang Kanyang muling pagbabalik.

Base sa mga signos na ito, hindi na nga magtatagal ang muling pagbabalik ni Hesus.  Baka nga mas mauna pa ito kaysa sa “The Big One.” At ito ang talagang “The Big One.”

 Hindi man natin mahulaan ang pagdating nang malakas na lindol at hindi man tayo lubos na makapaghanda sa pagdating nito, ang higit nating dapat paghandaan at siguruhin ay ang kaligtasan ng ating kaluluwa. Sabi ni Hesus sa Mateo 10:28, “Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakapapatay ng kaluluwa.  Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.”

Ang pagiging “palasimbahin” ba ang magliligtas sa atin sa kamatayang espiritwal?  Hindi! Ang tanging makapagliligtas sa atin sa tunay na “The Big One” ay ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Ang pag-ibig sa Diyos ay maipapakita sa pamamagitan ng pananampalataya at pagsunod mga sa utos at halimbawa ni Jesus. Ang pag-ibig sa kapwa ay maipapakita sa pamamagitan ng  pagtulong sa mga kapus-palad at nangangailangan. Ang pag-ibig sa Diyos at kapwa ay mapapatunayan sa pamamagitan ng pagiging makatuwiran, makatotohanan at makatarungan.

vuukle comment

THE BIG ONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with