^

Punto Mo

Parrot na pinaniniwalaang lookout ng drug dealers, ‘inaresto’ sa Brazil

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG parrot ang “inaresto” sa Brazil matapos magsagawa ng isang drug raid ang pulis doon.

Pinaniniwalaang sinanay ang parrot upang maging lookout ng mga sindikato. Inaalerto raw kasi ng parrot ang mga kawatan sa pamamagitan ng pagsigaw ng “Mum, the police!” kapag may nakikita itong mga pulis.

Hindi na pinangalanan ang parrot na kinumpiska matapos ang isang raid na isinagawa ng mga pulis sa isang drug den.

Ayon sa isa sa mga pulis na lumahok sa raid ay halatang sinanay ang parrot dahil papalapit pa lamang sila sa drug den ay nagsisigaw raw kaagad ito upang mabigyan ng babala ang kanyang mga amo.

Dagdag pa ng isang Brazilian journalist na nakakakita sa parrot matapos itong “ikulong” ay lubos na masunurin ito at tapat sa kanyang mga among drug dealer dahil matapos itong arestuhin ay hindi na raw ito muling nagsalita.

vuukle comment

PARROT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with