^

Punto Mo

EDITORYAL - Pasabugin, barko ng drug traders!

Pang-masa
EDITORYAL - Pasabugin, barko ng drug traders!

KAY President Duterte na rin mismo nangga-ling na bigo pa rin siya sa pangako na maging drug-free ang bansa. Inamin niya na mahirap talagang masugpo ang pagkalat ng illegal drugs. Hindi madali ang paglaban sa drug traffickers na noong una ay inakala niyang kayang wasakin sa loob ng 6 na buwan. Isa ang drug problem sa ipinangako niyang wawakasan noong nangangampanya pa lamang noong 2016. Ngayon ay magtatatlong taon na siya sa puwesto at ang problema sa illegal drugs ay nananatili pa rin at lumalala pa.

Ngayon ay lalo pang naging matalino ang drug traffickers at iba’t ibang paraan ang ginagawa para maikalat ang droga sa bansa. Kung noon ay pawang laboratoryo ang kanilang itinatayo para mara-ming maluto at maging mabilis ang pagtransport, ngayon ay hindi na. Gumagamit na sila ng barko para dalhin sa laot ang droga at doon ihahagis. Ang mga inihagis na droga, particular ang cocaine ay masasagip naman ng mga mangingisda. May mga mangingisda na inirereport ang nasasagip na cocaine at meron namang hindi.

Mula pa noong Disyembre 2018, daan-daang kilo ng cocaine ang nasagip ng mga mangingisda na karaniwang nasa baybayin ng mga bayan sa Quezon, Bicol at Mindanao. Kamakailan lang, nakasagip ng 40 bricks ng cocaine sa karagatan ng Surigao del Norte. Mayroon namang mangingisda na pinakakasuhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil itinago ang nasagip na cocaine.

Galit na galit ang Presidente sa sunud-sunod na pagkakasagip sa bricks ng cocaine. Hindi na maganda ang nangyayari na sa dagat na ibinabagsak ang mga droga. Kaya nang magsalita siya sa isang campaign rally sa Bukidnon noong Linggo, inatasan niya ang Philippine Navy na pasabugin ang barko o bangka na ginagamit ng drug smugglers. Pati tao raw na nasa barko ay kasama ring pasabugin.

Halata sa boses ng Presidente na galit siya sa nangya­yaring sunud-sunod na pagkakasagip ng cocaine. At ang pagpapasabog sa mga barko na nagdadala ng mga droga ang tanging paraan para malipol na ang mga salot.

Puwedeng gawin ito. Tiyakin lamang ng Philippine Navy na barko ng drug traders ang tatargetin nila. Baka magkamali ay lalo nang masama ang kahantu-ngan. Ipagpatuloy naman ng PDEA ang pagsalakay sa mga hinihinalang pugad ng droga.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with