^

Punto Mo

Ano ang habol sakaling may ‘double sale’ ng lupa

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Sinubukan ko pong iparehistro ang deed of sale ng nabili kong lupa sa Register of Deeds upang magkaroon na ako ng titulo ngunit napag-alaman ko na ibinenta rin pala ito sa ibang tao at napatituluhan na ito sa pangalan ng bumili. May habol pa po ba ako sa nabili kong lupa? -- Mario

Dear Mario,

Nakasaad sa Article 1544 ng Civil Code na kung sakaling may “double sale” o pagbebenta ng isang ari-arian katulad ng lupa sa dalawang magkaibang mamimili, papanigan ng batas ang “buyer in good faith” na naunang nagparehistro nito sa Registry of Deeds.

Ano ba ang isang “buyer in good faith”? Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng De Leon v. Ong (G.R. No. 170405, February 2, 2010), isa kang buyer in good faith kung noong binili mo ang ari-arian ay wala kang kaalam-alam na may iba pa palang naghahabol o nang-aangkin sa iyong binili. Dapat din na binili mo sa tamang presyo ang ari-arian upang matawag ka na isang “buyer in good faith.”

Kung isa kang “buyer in good faith” ay maaring may habol ka sa lupang iyong binili. Alamin mo muna kung isa rin  bang “buyer in good faith” ang naunang nagparehistro ng lupa. Imbestigahan mo kung binili ba niya ang lupa kahit alam niyang nauna mo na itong binili. Kung hindi siya buyer in good faith ay maari kang magsampa ng petisyon sa korte upang ipakansela ang titulo at mailipat ito sa pangalan mo.

Kung napag-alaman mo namang isang “buyer in good faith” ang nagparehistro ay hindi mo na mahahabol ang lupa ngunit maari mo namang habulin ang nagbenta sa iyo upang mabawi ang ipinambayad mo at para na rin sa daños na idinulot sa iyo. Maari mo rin siyang sampahan ng kasong kriminal katulad ng estafa para sa panlolokong ginawa sa iyo.

Nawa’y  nasagot ko ng lubos ang iyong katanungan. Paalala lamang na ang payong legal na nakasaad dito ay base lamang sa mga impormasyong iyong inilahad kaya maaring mag-iba ito sakaling may ilang mahahalagang bagay ka na hindi nabanggit.         

vuukle comment

LUPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with