^

Punto Mo

Utol (191)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TAO PO! Tao po! Magandang umaga po!’’ tawag ni Gerald habang nasa harap ng bahay na gawa sa tabla at capiz ang mga bintana. Naiwan naman sa SUV sina Xander, Anna at Gemo.

Walang sumasagot o nagbubukas ng pinto. Baka walang tao?

Inulit niya ang pagtawag. Baka natutulog o nasa kusina at nagluluto.

Nilakasan niya ang tawag.

Maya-maya, may nari­nig siyang yabag mula sa itaas. Mukhang nasa second floor ang tao.

Bumukas ang bintana.

At ganun na lamang ang pagkagulat ni Gerald sapagkat ang dumungaw ay si Gina mismo. Napakaganda ni Gina.

“Gerald!’’

“Gina!’’

Nag-uumapaw ang saya sa puso ni Gerald ng mga sanda­ling iyon.

“Sandali Gerald at bababa ako. Sandali lang!’’

“Sige, Gina, maghihintay ako!’’

Naramdaman ni Gerald na nagmamadali si Gina sa pagbaba mula sa second floor.
Pakiramdam niya, masayang-masaya si Gina sa pagdalaw niya.

Hanggang sa marinig niya ang pagbubukas ng pinto sa main entrance. Lumabas si Gina. Ang ganda talaga! Lalong gumanda.

Lumapit siya kay Gina. Nagbeso-beso sila.

“Kumusta ka Gina?’’

“Mabuti Gerald. Paano mo nakita itong amin?’’

“May paraan para sa lahat, Gina.’’

“Wow matalinhaga ka na ngayon.’’

“Medyo.’’

“Sino nga pala ang mga kasama mo?’’

Itinuro ni Gerald ang SUV sa kalsada.

‘‘Kapatid ko at nobya niya at ang drayber na si Gemo.’’

“Yayain mo sila rito sa loob, Gerald. Dito tayo. Magpapahanda ako ng pagkain.’’

Sinenyasan ni Gerald sina Xander na bumaba.

Bumaba sina Xander at pumasok sa bakuran. Ipinarada naman nang maayos ni Gemo ang SUV.

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with