^

Punto Mo

Utol (190)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MANONG puwede bang magtanong?’’ sabi ni Gerald sa magtatraysikel na nasa plasa.

“Ano po yun?’’

“May kilala ka bang Gina rito na ang negosyo raw ay ang mga pinauupahang balsa sa ilog. Hindi ko alam ang apelyido niya pero ang negosyo nila ay ang pagbabalsa.’’
Nag-isip ang magtatraysikel.

“Mayroon po akong kilalang ang negosyo ay ang pagbabalsa pero hindi ko alam ang pangalan. Alam ko po ang bahay nila at maaari ko kayong samahan. Puwede kayong sumunod sa akin. Malapit po sa lake ang kanilang bahay.’’

“Maraming salamat, Manong.’’

“Wala pong anuman, sundan n’yo lang ako.’’

Sinundan nila ang traysikel.

Maganda ang kalsada. Aspaltado. Sa dinaanan nila ay mas lalong maraming lansones at niyog. Nasa pagitan ng mga niyog ang lansones.

May mga nakita silang bahay sa dinaraanan.

Maya-maya pa, tumigil ang traysikel. May itinuro.

Bumaba si Gerald at lumapit sa magtatraysikel.

“”Yun po ang bahay. Yung yari sa tabla at kapis ang bintana. Dun po kayo magtanong sa babaing hinahanap n’yo.’’

“Salamat po Manong,” sabay abot ni Gerald dito ng P1,000.

“Naku huwag na po. Maliit na bagay lang ang naitulong ko.’’

“Sige na Manong. Salamat sa tulong mo.’’

Tinanggap ni Manong ang pera at nagpasalamat.

Tinungo nina Gerald ang bahay.

Bumaba siya at nagtao po.

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with