^

Punto Mo

Pinakamayamang tao sa Africa, nag-withdraw ng $10m para lamang titigan ito

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IBINAHAGI kamakailan sa isang forum sa Ivory Coast ni Aliko Dangote, Nigerian billionaire at kinikilalang pinakamayamang tao sa Africa, ang pagwi-withdraw niya ng $10 million (katumbas ng P550 bilyon) mula sa banko para lamang titigan ito.

Ginawa niya raw ito upang ipaalala sa kanyang sarili na totoong pera at hindi lamang basta numero ang nakikita niyang nakasulat sa kanyang bank account.

Paliwanag niya, mawawala na raw sa isip mo ang pagbibilang ng pera kapag lumampas na ng 1 milyon ang iyong kayamanan.

Kaya upang ipaalala sa kanya kung ano ang itsura ng kanyang kayamanan, nagpunta siya isang araw sa banko at nag-withdraw ng $10 milyon.

Pagka-withdraw, tinitigan niya lang daw ito upang ipaalala sa kan­yang sarili kung gaano karami ang pera niya at hindi lang basta-basta numero ang mga ito.

Ibinalik niya rin daw ito sa banko kinabukasan.

vuukle comment

AFRICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with