^

Punto Mo

Guinness, inabot ng 8 araw sa pagbibilang ng pinakamalaking koleksiyon ng video games

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA sobrang laki ng koleksiyon ng video games ng isang lalaki sa Texas, inabot ang Guinness World Records ng ilang araw para lang bilangin ang lahat ng ito.

Kinumpirma ng Guinness kamakailan lang na si Antonio Monteiro ang may-ari ng pinakamalaking koleksiyon ng video games sa buong mundo.

Matatagpuan sa bahay niya sa Richmond, Texas ang 20,139 video games at 100 consoles kung saan nilalaro ang mga ito.

Kumpleto ni Monteiro ang lahat ng laro sa iba’t ibang console, kabilang na ang PlayStation 2, PlayStation 3, Sega Dreamcast, PSP, PS Vita, Xbox, Xbox 360, Game Boy, Game Boy Advance, Game Cube, Wii at Atari Jaguar.

Mayroon din siyang mga pambihirang laro, katulad ng isang video game na inilabas lang ng Nintendo para sa US military.

Sa rami ng mga laro sa koleksyon ni Monteiro ay inabot ang Guinness ng walong araw para lang maberipika ang bilang ng mga ito.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

VIDEO GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with