^

Punto Mo

LTFRB, dapat nating tulungan ‘to!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAY madidisgrasya sa BITAG sa sumbong na ito ng isang magtataho sa aming tanggapan. Kung hindi man ang operator ng bus at jeep na sangkot sa reklamong ito, ang Land Transportation and Franchising Board (LTFRB) mismo na dapat tumutulong lutasin ang kasong ito.

Tunay na sumbong ng isang simpleng tao, isang magtataho ang biktima ng aksidente. Nasunog ang balat at nabalian ng braso, dahilan para matigil sa paghahanapbuhay ang pobre.

Sa kopya ng CCTV na ibinahagi sa amin ng nagrereklamong si Mang Rolando, tumaob ang jeep na kanyang sinasakyan. 

Pasaway ang drayber ng jeep, dilaw na ang traffic light ay humarurot pa ito ng takbo dahilan para salpukin ito ng bus. Ang bus na nakabangga, ang Malanday Metrolink, matulin din ang takbo kaya tumaob ang jeepney sa EDSA.

Etong mga putok sa buhong drayber na ‘to, sa kawalan ng disiplina ay buhay ng kanilang mga pasahero ang nalagay sa panganib. Walang may gustong maaksidente pero maiiwasan kung responsable at maingat itong bugok na pampasaherong drayber na mga ‘to.

Kumusta kamo, tumapon ang panindang taho ni Mang Rolando. Nalapnos ang kanyang buong katawan at nabali ang kanang braso.

Nagbigay naman ng paunang bayad para sa danyos perwisyo ang mga operator ng sasakyang sangkot sa insidente. Ang Malanday Metro Link Bus, nagbigay ng P16,000 samantalang P7,000 naman sa operator ng jeep.

Ang problema, matapos magbigay sa pobreng magtataho, hindi na muling nagparamdam ang dalawang operators. Nang-iwan na sa ere’t pinabayaan ang pobre.

Hindi na tumupad sa kasunduang tutulungan ng mga operator si Mang Rolando mula sa bayarin sa ospital hanggang sa gastusin sa pang-araw-araw hangga’t hindi pa siya nakakapaghanapbuhay.

Kayo diyan sa  Malanday Metro Link Bus company, tinatawagan namin kayo sa Kilos Pronto noong nakaraang linggo pero hindi kayo sumagot sa amin. Nasaan ang insurance n’yo na dapat sumagot sa disgrasyang inabot ng magtataho? 

Etong operator naman ng jeep, iikot ang tumbong nito sigurado kung saan pa kukuha ng pampagamot kay Mang Rolando. Kailangan yatang mabisita ng grupo ng BITAG ang dalawang ito para panagutan ang kanilang responsibilidad.

Mga kaibigan namin diyan sa LTFRB, tulungan natin si Mang Rolando! Ipatawag ang Malanday Metrolink at ang operator ng jeep, tanggalan agad ng prankisa kung kinakailangan.

Kailangang ipaintindi sa mga putris na ‘to ang salitang prebilehiyo at pananagutan.

LTFRB, ‘wag na nating patagalin dahil nangangailangan ng agarang operasyon ang nagrereklamo. 

Sasamahan ng BITAG ang nagrereklamo sa tanggapan n’yo riyan sa LTFRB, inaasahan namin ang inyong kilos prontong aksiyon!

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with