^

Punto Mo

Lalaki sa Turkey, kasamang natangay nang malaking payong dahil sa napakalakas na hangin

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KITANG-KITA sa video ng isang security camera sa isang kalye sa Turkey ang pagtangay ng malakas na hangin sa isang malaking payong at ang lalaking nakahawak dito.

Mapapanood sa video ang paghatak ng tatlong kala-lakihan sa malaking payong upang hindi ito matangay ng malakas na hangin.

Pero walang sinabi ang bigat ng tatlo sa tindi ng hangin, na tinangay pa rin ang malaking payong na naka-kabit sa stand na nasa trolley.

Bukod sa payong, tinangay rin ng hangin ang isa sa mga lalaking nakakapit.

Nilipad ang lalaki na nakilalang si Sadik Kocadalli ng 13 talampakan bago niya naisipang tumalon.

Hindi naman nasaktan si Sadik sa nangyari ngunit isang lalaki ang napabalitang dinala sa ospital nang mabagsakan ng lumipad na payong.

vuukle comment

TURKEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with