^

Punto Mo

Pagka-graduate sa kolehiyo… ano na?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

KADALASAN, tuwing sasapit ang panahon ng gradua­tion ng mga estudyante sa kolehiyo, hindi maaaring hindi mapag-usapan kung saan nila balak magtrabaho, saan sila mag-aaplay o ano ang plano nila sa pagtuntong nila sa bagong kabanata ng kanilang buhay. May mga bagong graduate naman na magpapatuloy ng pag-aaral, kukuha ng ibang kurso o kaya ay nagma-‘master’ na depende marahil sa kakayahan nilang matustusan ang mga ito. 

Pero, paano na nga ba pagkatapos ng graduation? Oo naman. Maghahanap ng trabaho ang karamihan. Ito ang karaniwan at nakasanayan na natin. Parang katayuan na itinakda ng lipunan sa pangkalahatan. Saan pa nga ba pupunta ang bagong graduate kundi maghanap ng trabaho at maging empleyado. Kahit iyong mga nagtapos ng kursong magbibigay ng pagkakataon sa kanila na makapagsolo sa karerang gusto nilang pasukin ay karaniwang dumaraan muna sa pamamasukan.

Magsisimula ang paghahanap ng trabaho marahil pagkaraan ng graduation sa buwan ng Abril o Mayo. Maghahanda ng mga rekisitos at resume/biodata kahit wala pang masasabing karanasan sa trabaho at maghahanap ng mga nakaanunsiyong bakante sa trabaho na merong kaugnayan sa kanilang pinag-aralan. 

Kaso, hindi naman awtomatikong meron na agad na nakalaang bakanteng trabaho para sa kanila pagkalabas nila ng kolehiyo. Asahan nang magiging kakumpetensiya nila ang mga dati nang walang trabaho na naghahanap pa rin ng mapapasukan. Kung meron namang mga pinapalad na magkatrabaho agad pagkagradweyt, meron namang aabutin ng ilang buwan o taon bago makahanap ng trabaho. May mga papalarin na matanggap sa kanilang inaplayan na merong kaugnayan sa kanilang pinag-aralan habang ang iba ay mabibilang sa tinatawag na underemployed o iyong nakakapasok sa trabahong walang kinalaman sa kanilang  pinag-aralan sa kolehiyo. May iba naman na, kahit walang kaugnayan sa kanilang pinag-aralan ang napasukan nilang trabaho, dito naman sila nagiging matagumpay.

Pero, may isang idea na hindi na bago pero matagal nang iminumungkahi at itinataguyod ng maraming institusyon, eksperto at kilalang mga indibidwal (sa gobyerno man o pribado) na maaaring mapamilian ng mga estudyante pagkagradweyt nila sa negosyo. Ito ang maging negosyante o entrepreneur. Ito ang isang bagay na hindi gaanong itinuturo at iminumulat sa mga estudyante sa kolehiyo. Ang posibilidad na pumasok sila sa pamumuhunan o negosyong may kinalaman sa kanilang pinag-aralan sa halip na maghanap ng trabaho pagkagradweyt o mamasukan sa isang opisina o kumpanya.  Halimbawa ang mga nagtapos ng law, nursing, medicine, pharmacy, dentistry, optometry, commerce, engineering, architecture, medical technology, pharmacy, accounting, information technology, education at iba pa.

Maaaring mas madali itong sabihin kaysa gawin lalo pa at asahang magiging kuwestiyon dito ang kinakailangang puhunan at kinakailangang karanasan. Maaari namang mapaghandaan na nila ito habang nag-aaral pa sila sa kolehiyo. O maaaring may mapagkukunan sila ng kailangang puhunan.  At dahil napakabata pa ng mayorya ng mga estudyante sa kolehiyo o ng mga college graduate, napakahaba pa ng panahon nila para sa mga kinakailangang pagsasaliksik, pag-aaral at makapag-isip na maisaalang-alang ang posibilidad na ito na pumasok sa larangan ng negosyo. Kung maraming mga tao na naging matagumpay sa pagnenegosyo kahit hindi sila nakatapos ng pag-aaral, paano pa kaya ang mga college graduate na magpapasyang maging negosyante o mamuhunan sa larangang kanilang napag-aralan?

-oooooo-

Anumang reaksyon sa kolum na ito ay i-e-mail [email protected]

vuukle comment

GRADUATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with