^

Punto Mo

Sir Ben, tulungan mo akong makabalik sa army!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAKAIBANG sumbong na nakarating sa aming tanggapan. Isang dating sundalo ang nagpasaklolo sa BITAG Kilos Pronto nitong Lunes.

Si Private Jessie James Abrazado ng Philippine Army, 22 years old, ay humingi ng tulong makabalik sa serbisyo. Natanggal dahil sa kapulpulan ng kanyang mga superior.

Honorably discharged ang pobre at walang derogatory record. Nagka-leche-leche lang ang kanyang buhay nang makaengkwentro sila ng NPA.

Si Private Abrazado at ang kanyang buddy ang sentinel o look out nang maganap ang insidente. Inatake sila ng mga armadong rebelde… habang ang pito nilang kasama, abalang-abala sa pagtoma. Mukhang sarap na sarap pa sa pulutan nilang sinampalukan.

Mabuti na lang at alerto ang nagrereklamong sundalo. Dahil kung hindi, malamig na bangkay silang lahat, pati mga senior niyang lasenggo.

Imbes na pasalamatan, siya pa ang pinag-initan ng mga kasamahan. Kasalanan niya at hindi siya nagpabaya at uminom habang nasa trabaho. 

Wrongful turnover at absence without official leave o AWOL ang hatol sa nagrereklamo. Depensa ng pobre, umalis siya dahil sa pambubugbog ng squad leader.

Mga kumag na sundalo, tinaasan na ang mga suweldo, tatagay-tagay lang at todo pasarap sa buhay. Isang matinding kahihiyan sa uniporme at sa sariling bayan.

Hindi natin nilalahat. Maraming matitino… gaya na lang nung sundalong umawat sa siraulong pulis-trainee na gustong pumatay ng bata. Dahil sa kanya, nabitag ang kumag.

Kinausap namin sa ere si Major Ian Fabellon ng Philippine Army. Wala namang naging problema sa aming pag-uusap… dahil talaga namang karapat-dapat si Private Abrazado.

Pansin namin ang kagustuhan niyang maglingkod sa bayan. Gusto lang talagang ma-redeem ang sarili at sa army. Hindi dapat maparusahan ang pobreng ito dahil lamang sa minor infraction.

Handang makipagbakbakan kahit sa Marawi, Lanao o saang parte pa ng Mindanao. Ang mga ganitong klase ng sundalo, marapat na bigyang papuri at tularan. Ang pambansang sumbungan ay handang-handa siyang tulungan. Snappy salute!

vuukle comment

ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with