^

Punto Mo

Utol (176)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MINSANG nagkukuwentuhan sina Xander at Anna, napunta ang usapan nila kay Gerald.

“Si Utol kailan siya  mag-aasawa, Xander?’’

“Hindi ko alam.’’

“Wala siyang girlfriend?’’

“Hindi ko alam. Ayaw ko namang itanong.’’

“Baka naman meron at ayaw lamang ipagtapat sa’yo.’’

“Mas mabuti siguro  maitanong sa kanya.’’

“Imposible naman na wala siyang siyota dahil guwapo siya at mayaman.’’

“Oo nga.’’

Nagkaroon ng pagkakataon sina Xander at Anna na maitanong iyon isang tanghali na nagkukuwentuhan sila.

“Utol, mayroon lang akong itatanong sa’yo at sana ay huwag kang maga-galit.’’

Nagtawa si Gerald.

“Bakit naman ako maga-galit Xander?’’

“Kasi personal na tanong ito at baka ikagalit mo.’’

“Hindi. Ano ba yun?’’

“Meron ka bang siyota? Kasi ilang buwan na rin tayong magkasama rito e wala kang naipakikilala sa akin na babae.’’
Nakangiti si Gerald nang sumagot.

“Wala akong siyota.  Dati meron pero nagka-labuan kami.’’

“Matagal mo siyang naging siyota?’’

“Matagal din – 6 years.’’

“Aba matagal din. Puwedeng malaman kung anong nangyari at nagka-labuan kayo?’’

Napangiti si Gerald.

“Mahabang kuwento, Xander.’’

“Mahaba pa sa kuwento namin ni Anna?’’

“Mahaba pa.’’

“Talaga? Ikuwento mo nga.’’

Napahinga nang malalim si Gerald. Inaalala ang kahapon nila ng dating siyota. (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with