^

Punto Mo

Party-partihan na naman ba sa laban?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HIRAP talaga ang tag-init, ang ulo natin madali rin mag-init.

 Nakakabuwusit kasi dahil ‘eto na naman ang ating mga Partylist. Nagdagsaan na naman ang mga poster sa kalye. Dati nangangako sila ng langit at lupa sa madlang botante, ngayon garapalan na partidong political sila kundi ng mga hinayupak na pulitiko, kundi ng mga malalaking negosyante.

Pinayagan kasi ng Komulek, este mali Comelec pala. ‘Yung Komisyon este Commission on Election pala ang 134 na mga Partyist kuno ang makilahok  sa darating na halalan sa Mayo. Aba, baka kailangan pa nating magpasalamat sa ating mga Komisyoner, ala e Commissioner, dahil 181 daw pala ang orihinal na bilang nitong mga Partylist.

Talagang nakakabuwisit dahil alam na pala nila na mahigpit ang batayan sa Partylist dahil ito dapat ay kumakatawan sa mga tinatawag nating “marginalized sector.” Pero  pasok pa rin ang mga asawa, anak, apo, kabit  at mga alalay ng ilang mga buwitreng pulitiko.

Inamin nga ng isang kaibigan nating gobernadora na ‘di na niya pinapatulan ‘yang Partylist dahil mapapasama pa siya sa maraming kasamang gobernador kundi niya mapagbigyan ang mga binuong Partylist ng mga ito.

Aniya, “Kung may ngipin lang talaga ang ating Comelec ‘di makakalusot  ang mga ‘yan. Alam namin ang ating Konstitusyon at mga batas. Ngayong ang hirap nang awatin.”

Buwisit! Dapat pala ginawa lang nating ordinaryong events organizer ang Comelec dahil pala nakakalusot din ang mga party-partihan partylist.

Eto na habang nagdadakdak ako sa isang pansiteria, dumating ang ating isang batikang kuwago.”Bos, nandyan si Cong. Jonat sa pali-paligid. Mukhang nangangampanya,” bulong ni X-Men.

Matanong ko nga itong si Jonathan dela Cruz na siyang kinatawan ng Abakada Partylist. Isa kasi itong kapatid sa hanap-buhay, batikang kolumnista at  komentarista sa radio, at ngayon ay nagpapakapagod mag-iikot sa bahay-bahay para ipakilalang muli ang kaniyang Abakada.

‘Di mo naman talaga masita dahil naging kinatawan na ito sa dalawang Kongreso ng Abakada na Partylist ng sektor ng edukasyon. Ang kaibahan sa Abakada, ‘di lang mga tiser ang kinakatawan nito kundi ang mga manggagawa sa pribado at publikong mga paaralan at unibersidad, ang mga Parent-Teachers Association (PTA) at kanilang mga komunidad.

‘Di naman niya pinagkakaila na matalik niyang kaibigan si dating Senador Bongbong Marcos. Sa katunayan sa rami ng mga alipores nitong si Bongbong, siya pa ang napiling campaign manager nang ito ay tumakbo bilang bise presidente.

Tinanggap ito ni Cong. Jonat dahil sa tagal na ng pinagsamahan nila ni Bongbong at ang pamilyang Marcos kahit alam ng lahat sa Kongreso na matalik ang pinagsamahan nila ni dating Rep. Leni Robredo sa maraming isyu sa Kongreso kahit ‘di sila magkapartido.

Ayon kay Cong. Jonat, kinakatawan niya ang pagbabalik ng Abakada sa Kongreso dahil mas kailangan na ngayong talakayin ang maraming isyu tulad ng paglalatag ng mga programa para sa kinabukasan ng ating mga kabataan, ang pagkalinga sa ating kapaligiran at pagsigurado na mabibigyan ng kabuhayan ang ating mga komunidad.

Sa kaniya, malaki pa rin ang pangangailangan ng mga tunay na Partylist sa Kongreso dahil  sila ay nakatuon  sa solusyon sa mga problema ng mga sektor na kanilang kinakatawan.

Tulad na lang sa edukasyon, ‘di na lang daw dapat doleout ang prioridad ng gobyerno sa ating mga mahihirap na kababayan kundi siguraduhin ang “edukasyon para sa lahat” ang kanilang susi para sa isang magandang kinabukasan.

“Tawagin na nila kaming mga pulitiko, pero dapat maisip ng ating mga kababayan na kung tunay na mga Partylist ang kanilang iluluklok sa Kongreso, ito ang kanilang dagdag na boses sa Kongreso.”

Aba, astig  ha! Sige mula ngayon, magmamatyag tayo sa mga Partylist para ‘di ma-onse ng mga peke.

Abangan!

vuukle comment

PARTY-PARTIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with