^

Punto Mo

Utol (171)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAINIT ang pagtanggap ni Gerald kay Anna. Masayang-masaya sila habang nagkukuwentuhan.

“Mabuti naman at isinama mo rito si Anna, Xander.’’

“Oo Utol. Kasi nagbabalak na kami ni Anna na magpakasal. Nagpaplano na kami. Tumatandang binata na ako at siya naman ay…’’

“Hep-hep-hep, huwag mo nang ituloy at nakakahiya naman na malaman ang age natin.’’

Nagtawanan sila.

“Mabuti ngang magpakasal na kayo. Wala na namang sagabal sa inyo. Si Utol naman ay wala nang problema at kayang-kaya ka nang buhayin. Siguro ay nasabi ni Utol na marami na siyang ari-arian.’’

“Oo Utol nasabi na sa akin ni Xander at hindi nga ako makapaniwala sa pagkakaroon niya nang yaman.’’

“Pareho kaming nagkaroong nang magandang buhay, Anna dahil sa aming ama. At naipangako naman namin na hindi pababayaan ang kanyang pinagkaloob sa amin. Lalo pa naming pagyayamanin ang kanyang mga pinamana.’’

“Totoo yan, Anna. Naipa­ngako namin ni Utol na kahit mayroon na kaming kayamanan, patuloy pa rin kaming magsisikap. Tuloy pa rin ang aming pagtitiyaga para makamtan pa ang magandang bukas.’’

Napangiti si Gerald.

“Basta amg masasabi ko lamang kay Utol, da best siyang kapatid. Hindi siya maramot. Kung sa iba yun, baka hindi na niya ako hinanap at sinolo na lamang ang kayamanan. Walang hihigit kay Utol.’’

“Salamat Xander. Alam ko mabuti ka ring kapatid at palagay ko malayo pa ang ating tatahakin. Sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan, uunlad pa tayo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with