^

Punto Mo

Tips para tumagal ang pagkain

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ibabad ang strawberries sa pinaghalong 3 parts water at one part vinegar, sa loob ng 5 to 10 minutes. Patuyuin sa hangin. Ilagay sa plastic container na nilagyan ng butas ang paligid. Tatagal ito ng isang linggo.

Ilagay ang sibuyas isa-isa sa malinis na panty hose. Isabit ito sa kitchen. Tatagal ito ng 8 months.

Isawsaw ang malinis na cotton cloth or muslin cloth sa suka para ‘di kapitan ng molds. Pigain mabuti. Dito ibalot ang natirang quezo de bola o malalaking tipak ng cheese. Itago sa refrigerator.

Mas tatagal ang kamatis kung ilalagay lang ito sa room temperature at hindi sa refrigerator.

Ang hiniwang berdeng dahon ng sibuyas ay tatagal ng 3 weeks kung ilalagay ito sa empty bottle ng mineral water at ilalagay sa freezer.

Ang fresh mushroom ay hindi kaagad magkakaroon ng mildew kung babalutin sa paper bag.

Ang fresh basil leaves ay hindi kaagad malalanta kung ibababad ang stem sa tubig.

Ang mga red spices powder na kagaya ng cayenne, paprika at chilli ay dapat na itago sa refrigerator para hindi kumupas ang kulay at flavour.

Ang celery na ibinalot sa aluminum foil at inilagay sa vegetable bin ay tumatagal ang crispiness hanggang one week.

Hayaang mahinog ang avocado sa room temperature. Itago lang ito sa refrigerator kung hinog na pero hindi mo pa gagamitin.

 

vuukle comment

PAGKAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with