^

Punto Mo

Mga kuwentong paspasan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…tungkol sa mga milyonaryo

Binili ng Swedish millionaire na si Johan Eliasch ang 400,000 acres of the Amazon Rainforest mula sa isang logging company sa halagang $14,000,000 para lang mapreserba ito.

Ang millionaire na si Michael O’Leary, CEO ng airline Ryanair, ay mayroong sariling taxicab company na iisa lang ang taxi. Ginawa niya ito para legal niyang magamit ang bus lanes at makaiwas sa traffic.

Sa Finland, ang multa sa traffic violation ay kinakalkula base sa income ng violators. Kaya napapaluha sa laki ng ibinabayad ang mayayaman. Imagine, nagbabayad sila ng $100,000 sa isang simpleng traffic violation.

Sa kabila ng pagiging milyonaryo, $500 lang per month ang ibinibigay na sustento ni Steve Jobs sa kanyang anak na si Lisa.Tinangka niyang itanggi na siya ang ama pero ipinangalan niya rito ang unang computer na nabuo niya. Si Lisa ang naging bunga sa nauna niyang pakikipagrelasyon.

Isang banker sa maliit na bayan ng Florida ang humimok sa kanyang mga kababayan na bumili ng shares ng Coke noong panahon ng Depression (tag-hirap noong 1930s). Ngayon ang Quincy, Florida ay tinatawag na Town of Secret Coca-Cola Millionaires.

Ang pinakaunang babaeng self-made millionaire sa Amerika ay isang black woman.

Sa edad na 22-years old, bago sumabak sa pag-aartista, si Arnold Schwarzenegger ay isa nang self-made millionaire. Ang ginamit niyang puhunan sa real estate business at pagbebenta ng gym equipment and exercise supplements ay mga napanalunan niya sa bodybuilding contest.

vuukle comment

JOHAN ELIASCH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with