^

Punto Mo

Utol (168)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘HINDI mo talaga inakalang yayaman ka ng ganito, Xander?’’ tanong ni Anna habang nasa bus sila patungong probinsiya.

“Wala talaga, Anna. Ang akala ko nga, kinalimutan na ako ng aking ama. Wala namang sinabi sa akin si Mama ukol sa kanya. Basta ang alam ko, anak ako sa labas o ‘putok sa buho’. Siguro umiiwas din si Mama na maungkat kung ano ang mga nangyari sa kanya.’’

‘‘Mabigat din ang pinagdaanan ng mama mo Xander habang pinagbubuntis ka. Siguro may lihim din na kumukutya sa kanya nung unti-unti nang lumalaki ang tiyan niya at wala namang makitang asawa niya.’’

“Tama ka Anna. Nabanggit niya sa akin nung ako’y nasa high school na kapag naglalakad daw siya nung pinagbubuntis pa ako, may mga lihim daw na nagbubulungan paglampas niya. Pero hindi na raw niya pinansin.’’

“Alam mo, nakita ko na ang mama mo nun minsan. May affair tayo sa school at dinalhan ka yata ng pagkain o damit dahil nag-overnight tayo. Nginitian niya ako. Ang ganda ng mama mo --- parang artista.’’

“Ah oo. Nabanggit niya sa akin yun. Sabi naman niya sa akin, maganda ka raw, Anna.’’’

‘‘Pareho pala kaming maganda.’’

‘‘Pero nang mangyari ang panlalait sa akin ng nanay mo, nagalit siya. Huwag na huwag daw akong manliligaw o lalapit sa iyo. Gusto pa nga niyang su-gurin ang mother mo. Napigilan ko lang. Umiyak pa nga ako para lamang huwag ituloy ang pagsugod sa inyo. Nagalit talaga siya nang todo. Mabuti na lang at nakinig sa akin.’’

“Hiyang-hiya ako sa pangyayaring yun, Xander. Di ba nasabi ko sa’yo na nagkulong ako sa aking kuwarto para ipakita sa aking ina ang pagdaramdam ko. Nakakahiya ang ginawa niya na sabihan kang ‘putok sa buho’ at hindi ka dapat manligaw sa akin. Sobrang kahihiyan ang nadama ko dahil sa ginawa ng aking ina. Kung puwede nga lang magpalit ng ina e ginawa ko na para mabawasan ang kahihiyan. Gusto sana kitang kausapin nun pero naisip ko na baka galit na galit ka sa akin.’’

‘‘Hindi ako galit sa’yo. Wala ka namang kasalanan.’’

“Pero ba’t hindi mo na rin ako kinausap mula nang mangyari yun?’’

“Hindi ko na rin ginawa dahil nga nagbanta si Mama sa akin na kapag nakipag-usap ako sa’yo, susugurin niya ang nanay mo.’’

“Ah kaya pala nawala na ang komunikasyon natin.’’

“E mabuti naman ang nangyari at nanabik tayo sa isa’t isa. Mas lalo kong nasiguro ang sarili na ikaw talaga ang love ko.’’

Humilig si Anna sa dibdib ni Xander. Love na love niya si Xander.

Hanggang sa sumapit ang bus sa probinsiya nina Xander.

Sumakay sila ng jeepney na dumadaan sa asyenda nina Xander.

Nang dumaan ang jeepney sa isang malawak na sugarcane plantation, sinabi ni Xander na iyon ang pag-aari niya.

‘‘’Yan ang lupain ko, Anna. Sa kabila ng tubuhan ay naroon ang pigaan para makagawa ng asukal at muscuvado. Malapit din dun ang pabrika ng banana chips.’’

“Dapat pala Don Xander na nga ang itawag ko sa’yo dahil ang dami mong kabuhayan.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with