^

Punto Mo

Probe sa water shortage arangkada na, sana may mangyari!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isasagawa ngayong araw ang House probe patungkol sa kakulangan ng tubig partikular sa malaking bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan.

Kailangan talaga ngayon ang ganitong mga pagsisiyasat, kasi nga hanggang sa ngayon hindi maintindihan at matanggap ng marami nating kababayan ang nangyayaring kakulangan sa supply sa tubig.

Ang tanging alam lang ng maraming mga konsiyumer eh ang sinasabing bumagsak na raw sa critical level ang tubig sa La Mesa Dam.

Dati na rin kasing nagaganap ang ganito, lalo na sa kalagitnaan talaga ng summer.

Nangyari na rin na nagkakaroon ng water  interruption sa  maraming lugar, pero  mas matindi ang nararanasang epekto ngayong sa maraming sambahayang Pinoy.

Nakikita naman ang kalagayan ng ating mga kababayan sa ginagawang pagrarasyon ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Parang hindi  katanggap-tanggap ang nakikitang mga tanawin sa ibat-ibang lugar, kung saan nagtitiyaga ang   ating mga kababayan sa mahabang pila sa rasyong tubig.

Yung iba apektado na rin sa araw-araw na paggawa.

Eh paano naman, magdamagan ang kanilang pag-iigib para lang makaipon ng tubig, marami puyat na kinabukasan kaya sa pati trabaho at iba pa nilang gawain apektado.

Nakapagtataka pa nga na halos kapapasok pa lang ng summer, ganito na ang nararanasan ng ating mga kababayan.

Bakit hindi ba ito napaghandaan ng Manila Water?

Marami talaga ang naperwisyo sa nangyaring ito.

Umaksyon na rin ang Malacanang ukol dito, kaya pinabubuksan na nga ni Pangulong Digong ang Angat Dam para kumuha tubig na tutugon  sa loob ng 150 araw sa mga naapektuhan.

Pero mukhang merong ayaw sumunod, ano kaya ang masasabi rito ng Pangulo.

Aantabay na lang tayo sa mga susunod na araw sa mga imbestigasyon ng Kongreso at ng Palasyo.

Sa dami ng nais na tumulong sana bumalik na sa normal ang supply ng tubig na talagang kailangang-kailangan nating lahat. 

 (end)

vuukle comment

WATER SHORTAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with