^

Punto Mo

Ang Kuwentong Titanic

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Note: Iba’t ibang anekdota ng kabayanihan, karuwagan at pagiging makasarili ng mga pasaherong nakaligtas sa lumubog na Titanic.

Ikalawang Kuwento: Ang kutsilyong pambalat ng nilagang patatas

SI Margaret Devaney ay anak ng mahirap na magsasaka sa Sligo County. Isa itong liblib na lugar sa Ireland. Pangarap niya na makarating ng Amerika upang doon maghanap ng trabaho na makakapag-ahon sa kanyang pamilya sa kahirapan. Suwerte naman at may nakontak siyang kakilala na nasa Brooklyn at Jersey City na maaaring tumulong sa kanya na makahanap ng trabaho.

Bitbit ang isang lumang maleta na hiningi pa sa isang kaibigan at isang laksang pag-asa sa puso, nakakuha siya ng 3rd class ticket sa Titanic noong April 14, 1912. Iyon ang pinakamurang ticket na madalas binibili ng mahihirap na nais mag-abroad.

Upang makatipid ay nagbaon siya ng nilagang patatas. Kasalukuyan niyang binabalatan ito nang maramdaman niyang parang may kung anong bumangga sa barko. Sa lakas ng pressure ay parang nahulog pa siya sa kinauupuan.

Lumabas siya sa kanyang kinaroroonan at tumakbo sa lugar kung saan maraming nagkakatipon na mga pasahero. Nag-uunahan na pala sa pagtalon sa life boat ang mga pasahero. Nakitalon na rin siya at napapunta sa Lifeboat C. Pero malas naman, hindi matanggal ng crew ang tali ng lifeboat na nakakabit sa Titanic. Napakakapal ng tali at imposible itong tanggalin gamit ang kamay. Kung hindi nila matatanggal ang tali, malamang na mahihila sila ng Titanic sa ilalim ng dagat.

Biglang nakapa ni Margaret sa kanyang bulsa ang kutsilyong ginagamit niya kanina sa pagbalat ng patatas. Iniabot niya ito sa officer in charge para ipangtanggal ng tali. Palakpakan ang  50 pasaherong nasa Lifeboat C. Gamit ang kutsilyo, tinanggal ng officer ang logo White Star Line (kompanyang may-ari sa Titanic) sa gilid ng Lifeboat at ibinigay kay Margaret bilang alaala at pagkilala sa tulong na naibigay niya sa kapwa niya pasahero.

Iningatan niya ang souvenir ng kanyang kabayanihan. Lagi niya itong ipinakikita sa kanyang mga apo. Pumanaw siya sa edad na 82 noong 1975.

vuukle comment

TITANIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with