^

Punto Mo

EDITORYAL - Maraming makikinabang ‘pag nalinis ang Manila Bay

Pang-masa
EDITORYAL - Maraming makikinabang �pag nalinis ang Manila Bay

MAKAPAL ang burak at maraming basura sa Manila Bay. Sa tagal nang panahon na hindi ito nahukay at napalalim, aabutin nang mahigit isang buwan ang pagtatrabaho rito. Inumpisahan na noong nakaraang linggo ang pagpapalalim at nakakulekta na ng 225,000 cubic meters ng burak at basura. Mga modernong equipment ang ginagamit para mapabilis ang paghuhukay. Labing-anim na oras nag-ooperate ang mga ito at inaasahang makukuha ang target date para ganap na malinis. Ayon sa mga namamasyal sa kahabaan ng Roxas Boulevard, nabawasan na ang masangsang na amoy na nagmumula sa dagat. Magandang palatandaan ito na ang ibig sabihin, unti-unti nang nawawala ang burak at mga basura.

Sabi naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), tuluy-tuloy ang ginagawang dredging kahit pa may mga bumabatikos at tumututol dito. Binabatikos ng grupong Pamala-kaya ang ginagawang dredging sa Manila Bay sapagkat apektado na umano ang pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga maliliit na mangingisda.

Dahil daw sa paghuhukay, kakaunti na lamang ang nahuhuli ng mga mangingisda. Kung dati raw ay nakakahuli ng 15 kilos ng isda mula nang simulan ang dredging ay 2 hanggang 5 kilos na lamang ang nahuhuli.

Malaking problema umano para sa mga maliliit na mangingisda ang pagpapalalim sa Manila Bay. Saan daw kukuha ng ikabubuhay ang mga ito? Kawawa naman lalo’t may mga pamilya.

Hiling ng Pamalakaya, dapat bigyan ng pamahalaan ng pagkakakitaan at pagkukunan ng ikabubuhay ang mga apektadong mangingisda. Binatikos din ng grupo ang ginagawang reklamasyon sa Manila Bay at hiniling sa DENR na hadlangan ang “full-scale sellout” ng makasaysayang lawa. Ayon sa Pamalakaya, 43 ang naka-pending na reclamation projects sa Manila Bay. Sasakupin ng projects ang 30,000 ektarya ng lawa.

Huwag paapekto ang DENR sa mga batikos na karaniwang lumilikha lang ng gulo at nagpapapansin. Namumulitika lang at walang magawa. Ang ginagawang pag-aalis sa burak at basura ay dapat lang isakatuparan para maging malinis na ang Manila Bay at nang mayroon nang mabuhay na mga isda. Kung hindi lilinisin, ano ang huhulihing lamandagat. Dahil sa rumi ng Manila Bay, mara-ming namamatay na isda at maaaring sa hinaharap ay wala nang mahuli rito.

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with