^

Punto Mo

Mga sikreto ni Prince Philip

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Last Part)

6. Bunso siya sa magkakapatid. Sampung taong gulang siya samantalang ang apat niyang kapatid na babae ay pawang may asawa na. Ang mga kapatid niya ay napadpad sa Germany dahil ang napangasawa ng mga ito ay mga German aristocrats. Ang ibang bayaw niya ay Nazi. Siya at ang kanyang mga magulang ay napadpad sa Scotland matapos silang palayasin sa Greece dahil napatalsik sa trono ang kanyang tiyuhing hari.

Naging malaking isyu sa British citizens bago siya ikasal kay Queen Elizabeth na baka makipag-alyansa ang Royal family sa Nazi. Ito ang kinatatakutan ng mga tao kaya tutol sila na si Prince Philip ang mapangasawa ng kanilang reyna. Ipinakita ng palasyo na hindi kailanman mangyayari ang kanilang kinatatakutan dahil kahit isa ay walang inimbitahan sa pamilya ni Prince Philip sa araw ng kanyang kasal.

7. Hindi lang British citizens ang tutol kay Prince Philip para mapangasawa ni Queen Elizabeth, pati ang kanyang ina na si Queen Elizabeth I or Queen Mother. Ang lihim na tawag ni Queen Mother sa kanyang nakatakdang mamanugangin ay “The Hun”, or barumbado. Hindi ito naniniwala na si Prince Philip ay isang gentleman.

8. Naging miyembro siya ng notorious lunch club na nagdadaos ng stag party kung saan ang mga waiter ay maskara lang ang suot dahil sila ay hubo’t hubad habang nagsisilbi sa mga guest. Ang lunch club ay may mga showgirls kung saan ang isa rito ay naging kabit ng prinsipe ayon sa bulung-bulungan. Kinakasabwat pa nito ang kanyang mga guwardiya. Lagi niyang pinagsasabihan ang mga ito na: “Wala kayong nakita.”

9. Hindi man niya direktang inamin ang pangangaliwa sa asawang reyna, may binanggit siya sa kanyang speech noong ipagdiwang nila ang kanilang 50th wedding anniversary: “I think the main lesson we have learnt is that tolerance is the one essential ingredient in any happy marriage… You can take it from me; the Queen has the quality of tolerance in abundance.” Ibig sabihin, nagtagal ang kanilang pagsasama sa kabila ng mga kalokohan niya dahil mayaman sa pasensiya si Queen Elizabeth.

vuukle comment

PRINCE PHILIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with