^

Punto Mo

Gen. Guillermo Eleazar, sumambulat!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi na napigilan ni NCRPO chief P/Major Gen. Guillermo Eleazar ang kanyang sarili kaya kahit sa harap ng media eh talagang sumabog ang kanyang galit sa nahuling pasaway na pulis na inireklamo ng kotong nang nahuling drug suspect.

Sumambulat ika nga, napuno na ang salop kay Gen. Elea­zar dahil sa kalokohan ng pulis na si Cpl. Marlo Quibete, na nakatalaga sa District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Eastern Police District.

Ang ganitong uri ng mga pulis ang sumisira sa imahe ng PNP, na kahit na ano ang ihain na magagandang benepisyo, hindi pa rin maawat sa mga ilegal na  gawain.

Nahuli ang pulis makaraang tanggapin sa isinagawang entrapment operation ang P20,000 marked money. Inireklamo ito nang naaresto nilang drug suspect kamakailan.

Nagsimula ang hinihinging kotong sa P200K at dahil sa hindi kaya ng mga hinihingan bumaba nang bumaba.

Hindi kaya ang cash kaya pati motorsiklo ng mga biktima ay pinag-interisan kung saan pinapirma pa ang mag-live-in partner sa isang deed of sale na kunwari ay ibinenta sa pulis ang motorsiklo. Humihingi pa ng gintong kuwintas at dagdag na pera.

O di ba, abuso talaga!

Ang masaklap pa rito natuklasan ni Gen. Eleazar na kasabwat ni Quibete ang kanyang mga kasamahan sa unit. Natuklasan ito sa pagpapalitan ng text na nabasa ni Gen. Eleazar.

Ayun sibak ang buong unit ng DDEU ng EPD at pati ang kanilang district director siyempre nadamay dahil sa command responsibility.

Eh halos kasabay nito, isang pulis - Pasay din ang nahuli dahil sa kidnap at kotong kaya marahil nagkapatung-patong na ang galit ng NCRPO chief sa mga pasaway na tauhan.

Nakapanlulumong isipin na marami pa ring parak ang sumasangkot sa ganitong mga ilegal na gawain sa kabila na marami ng benepisyo ang ibinigay sa kanila ni Pangulong Digong. Una na nga rito ang malaking taas sa kanilang suweldo.

Pero kahit yata ano ang ibigay sa ilan, talagang hindi na yata mababago ang mga pasaway.

Ang masaklap lang nadadamy ang matitino at buong command, kaya hindi masisisi kung sumambulat sa galit ang sa kanila ay namumuno.

Marami rin naman ang umaasa na sa ganitong leadership sa PNP, mauubos rin ang mga pasaway kahit pa nga raw bumaba ang bilang sa command, kahit ilan ang maiwan basta matino lang.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with