^

Punto Mo

Kaso ng agaw-armas sa MPD, tuloy pa rin!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI pa lumalamig ang kaso ng pag-ambush sa mobile car ng Manila Police District sa Sampaloc kung saan dalawang preso ang namatay, may kaso na namang agaw-armas sa presinto ng MPD.

Mukhang nauuso ang pagkamatay ng mga preso sa MPD kaya tiyak makakadagdag na naman ito sa bilang ng mga Pinoy na takot mabiktima ng EJK. Matatandaan na 8 sa 10 Pinoy ang nagsabi sa isang survey na may posibilidad na mabibiktima sila ng EJK at sana itong 3 agaw-armas at ambush sa presong mga “hitmen” ay hindi kasali rito, di ba mga kosa?

Wala na bang katapusan ang kamatayan ng mga preso sa kamay ng taga-MPD? Araguuyyyy! Kung sa kaso ng ambush ng mga hitmen ay hindi naprotektahan ng mga pulis-MPD ang kanilang preso, dito naman sa agaw-armas parang hindi alam ng mga pulis kung paano i-handle ang kanilang mga nahuling suspect.

Kailangan siguro PNP chief Gen. Oscar Albayalde Sir ay ipa-seminar ang mga pulis MPD ng tamang pamamaraan kung paano i-handle ang nahuli nilang suspect para hindi na makapang-agaw ng armas. Hak hak hak! Di ba kasama sa training ng pulis ang tinatawag na prisoner’s handling subalit mukhang nakaligtaan ng taga-MPD? Araguuyyy!

Habang iniimbestigahan pa ng Internal Affairs Service (IAS) at RIDMD ng NCRPO ang ambush sa dalawang preso, aba nang-agaw naman ng baril si Brando Madrid sa SIBAMA PCP sa Sampaloc din.

Naaresto kasi ng mga barangay tanod si Madrid na nagnakaw ng wallet ng tulog na driver sa kanto ng Simoun at Maceda Sts. kaya nai-turn over siya sa SIBAMA. Sa totoo lang, for record purposes lang ang kaso ni Madrid dahil wala namang complainant laban sa kanya. ‘Ika nga ay i-release na sana siya.

Subalit nang tumayo si Pat. Rolando Foronda para kumuha ng tubig, sinundan ito ni Madrid sabay hablot ng kanyang baril at sa kasamaang palad, pumutok ng 2 beses at tinamaan siya at namatay habang dinadala sa ospital. Araguuyyy!

Ang tanong lang, bakit kaya itong mga nahuhuling suspect ng MPD ay mahilig mang-agaw ng baril? Sa totoo lang mga kosa, wala naman tayong death penalty at si Madrid ay ire-release na kaya walang makitang dahilan ang mga kosa ko kung bakit kailangan pa niyang mang-agaw ng baril. Get’s n’yo General Albayalde at NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar Sirs? Hak hak hak! Baka may topak si Madrid ah? Posible, di ba kosang Pat Santos Sir?

Kaya lang naman nagkaroon ng haka-haka ang pangatlong agaw-armas na insidente sa MPD ay dahil pinapurihan ni Col. Marcelino Pedrozo, deputy chief for administration ng MPD , si Foronda sa flag raising ceremony noong Lunes na tinuligsa ng ilang miyembro ng MPDPC.

Ayon kay Pedrozo, dapat daw i-commend si Foronda dahil tama lang ang ginawa niya para ipagtanggol ang sarili. Kaya lang, nagsalita si Pedrozo na hindi pa tapos ang imbestigasyon ng Homicide Section sa kaso ni Madrid kaya lumabas na parang wina-whitewash niya ang kaso, di ba mga kosa? Araguuyyyy!Abangan!

vuukle comment

EJK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with