^

Punto Mo

Narcolist, bow

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

DAPAT noon pang sinampahan ng kaso ang mga diumano’y narco-politiko.

Kaya tuloy may mga maangas na politiko ang dahilan kung bakit na naman ito pinag-usapan lalo’t kampanyahan na ng mga kandidato dahil nga sa midterm election ngayon Mayo.

Naku ha!

Ano ba ito?

Gusto lang ba ng mga pa-bright-bright na hiyain ang mga politikong nasa narcolist?

Paano kung walang ebidensiya at nabuyangyang ang mga pangalan nila sa madlang people?

‘Sorry,’ lang ba ang katapat ng sasabihin ng gobierno sa kanila?

Paano ang kanilang reputasyon?

Wasak ang mga nasa narcolist?

Dapat presumed innocent sila until proven guilty!

Tumpak!

Wala tayong kinakampihan kung may sapat na ebidensiya dahil kapag sabit sila sa droga ikulong sila.

 Dapat kasi noon pang malayo pa ang eleksyon pinursige ang mga nasa narcolist kinasuhan na sila agad hindi ‘yung ilang buwan o tulog na lang saka palulutangin ang isyung ito.

Tuloy marami ang tumataas ang kilay pati si Comelec Commissioner Rowena Guanzon ay nagsabing iisnabin ng poll body ang listahan ng mga naka-pangalan dito at hahayaan na lamang umano ang mga narco politicians na tumakbo sa eleksyon.

Hindi kasi puedeng tumakbo ang isang diskualipikadong politician na humawak pa ng public office kung convicted ito sa drug-related offenses.

Sabi kasi ng DILG ang talaan ng umano’y  narco politicians ay isasa publiko bago mag-umpisa ang kampana este mali kampanyahan pala bilang guide sa madlang botante.

Ano sa palagay ninyo ?

Ibinida ng PDEA, mayroon pang  83 politicians ang nasa listahan daw ?

Karamihan sa listahan ay mga mayors, may ilang vice mayors, governors, vice governors at congressmen.

Naku ha !

Ano ba ito ?

Pati Senators ay pumapalag sa isyung ito.

Ano sa palagay ninyo ?

Abangan

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with