^

Punto Mo

Iba’t ibang modus ng kidnap, mga minor ang target

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ibang klase talaga ngayon ang mga umuusbong na sindikato ng kidnap.

Iba’t ibang modus ngayon  ang nare-report sa pulisya.

Kung dati pagsinabing kidnap, ito ang kaso ng kidnap for ransom, na karamihan sa mga biktima noon ay mga negos-yanteng Chinese.

Ngayon maging ang PNP ay naaalarma sa sunud-sunod na kaso ng kidnap.

Hindi na kidnap for ransom kundi ‘yung mga kumikidnap ng mga bata na ibinebenta sa iba’t ibang grupo ng sindikato. Ilan ay sangkot sa prostitution ‘yung iba naman, ginagamit sa pagpapalimos.

Kaya ngayon sa mga iniulat na kaso ng kidnap, ang tinatarget ay mga paslit o mga menor-de-edad.

Ika-24 ng Pebrero nadakip ng NCRPO si Norly Rafael ng Brgy. Commonwealth sa lungsod Quezon matapos na ireklamo sa tangkang pagdukot sa 9-anyos na batang babae.

Sa Marikina  naman, nadakip din ang 70-anyos  na si Gloria Payos matapos ireklamo rin ng kidnapping sa dalawang batang babae ng cyber sex.

Ika-19 din ng Pebrero nadakip naman si Lilibeth Bustamante na nagtangkang tangayin ang 10-anyos na batang babae sa BF Homes, Parañaque.

Umamin ito na kabilang sa sindikatong dumudukot sa mga bata. Ipinagtapat pa nito kahit sa mga probinsiya ay nag-ooperate sila.

Umaaabot na umano sa 20 mga bata ang kanilang nabiktima..

Ipinagtapat pa nito na 10-anyos pataas ang kanilang tinatarget kidnapin, kung maganda raw ang bata na kanilang dinukot binabayarang sila ng P70,000 hanggang 100K. May quota pa umano silang dalawang bata kada linggo na isinusupply sa mga dayuhang parokyano.  

Inamin din nito na Oktubre pa ng nakaraang taon nang sumali siya sa sindikato na nagbebenta ng mga kidnap victim na paslit sa cyber sex den.

Hindi nga ba’t ,kamakailan lamang , sunud-sunod ang iniuulat na tangkang pagdukot sa mga paslit.Sunud-sunod din naman ang pagkakadakip sa mga suspect.

Kaya nga dahil dito, nagpaalala ang kapulisan lalu na sa mga magulang na subaybayang mabuti ang kanilang anak lalu na ang mga pinaglalaro sa lansangan.

Dapat ding maging mapagmatyag sa mga dayo na may kahina-hinalang kilos sa kanlang lugar. Agad itong ipaalam sa barangay officials o kaya ay sa kapulisan.

Sa dami nang umuusbong na mga modus ngayon, lalu na sa kaso ng kidnap dapat na maging alerto .

Ayon pa sa pulisya, na bilinan din ang anak na huwag basta-basta makipag=usap sa hindi nila kakilala lalu na ang mga may inaaalok ng kung anu-ano sa mga bata.

Da pat ding maging alerto sa ganitong  insidenteng ganito ang mga  opisyal sa barangay na silang nakakakilala sa kanilang mga nasasakupan at kung sino ang mga bagong mukha na aalialigid sa kanilang lugar.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with