^

Punto Mo

Kailan wawalisin ang mga karag-karag na jeepney?

PULSO NG MASA - Pang-masa

Noong 2017, sinabi ni President Duterte na aalisin na sa kalsada ang mga kakarag-karag na jeepney para bigyang daan ang modernization. Ano na ang nangyari sa planong ito ng Presidente?

Bakit nasa kalsada pa rin ang mga bulok na jeepney na nagdudulot ng air pollution. Halos 80 percent ng air pollution sa Metro Manila ay nanggagaling sa mga lumang jeepney na patuloy na ibinibiyahe kahit dapat nang igarahe o kaya’y ibenta sa junkshop. Ang mga bulok na jeepney ring ito ang kadalasang nawawalan ng preno at bumabangga sa pader o mga kasalubong na sasakyan dahil nawalan ng preno.

Ang mga bulok na jeepney ring ito ang nagdudulot ng grabeng trapik sa Metro Manila sapagkat nasisiraan sa gitna ng kalsada.

Ang mga ito rin ang kadalasang pinagmumulan ng mga aksidente sapagkat walang ilaw lalo sa gabi at hindi nakikita ng kasalubong. Karamihan sa mga drayber ng jeepney ay walang disiplina sa pagmamaneho. Kung saan-saan sila nagbababa at nagsasakay ng pasahero. Kadalasang may mga nahuhulog na pasahero sapagkat kahit hindi pa nakakaupo ang mga ito ay pinahaharurot na.

Sana ituloy ng Duterte admin ang nasimulan nang pagwalis sa mga bulok na jeepney para naman mawala ang problema ng air pollution at mga nangyayaring aksidente sa kalsada.

Nabasa ko na mayroong mga jeepney na edad 20 taon na pero ibinibiyahe pa rin. Tiyak na napakaitim ng usok na ibinubuga ng mga jeepney na ito kaya nararapat lamang na walisin. Ayon sa DOH ang mga sakit na nakukuha sa dahil sa air pollution ay sakit sa baga, asthma, sakit sa puso at iba pang respiratory ailments.

Kailangang ipatupad ang nakatadhana sa Clean Air Act of 1999 kung saan ipinagbabawal ang paggamit  ng mga lumang sasakyan. Sana maipatupad ito ng Duterte admin.

Maraming salamat.

---DANTE BILIONES, Varona St. J. P. Rizal, Makati City

vuukle comment

JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with