^

Punto Mo

EDITORYAL - Walang nalalaman sa karapatan

Pang-masa
EDITORYAL - Walang nalalaman sa karapatan

BINATIKOS kamakailan si National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema dahil sa proposal niyang alisin ang state scholarships sa mga estudyanteng aktibista na sumasali sa anti-government protests ganundin sa New People’s Army (NPA). Aniya, ang paglaban aniya sa pamahalaan ay paglaban sa nakararaming Pilipino kaya dapat tanggalan ng scholarships ang mga estudyante sa state universities.

Ang proposal ni Cardema ay nagpapakita na salat siya sa kaalaman sa nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas na ang mamamayan ay may karapatang magpahayag ng saloobin. Maski si President Duterte ay nagsabing hindi siya sang-ayon sa proposal ni Cardema.

Sabi ng Presidente, walang masama kung magpahayag ng kanilang saloobin ang mga estudyante. Expression lang yun. Sabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang pagsali ng mga estudyante sa grupo na naka-aligned sa Left ay hindi ground para alisin sa kanila ang scholarships.

Ikinatwiran naman ni Cardema na ang kanyang proposal na pag-aalis ng scholarships sa militants ay inspired sa sinabi ng Presidente noon na ibibigay na lamang ito sa mga lumad o indigenous people na gustong mag-aral sa unibersidad. Ito raw ang kanyang pinagbatayan at naninindigan dito.

Sa ganitong pahayag ni Cardema, nagpapakita nga na salat siya sa nalalaman sa Konstitusyon. Maski sa mandate ng NYC ay taliwas ang kanyang proposal sapagkat nakasaad doon na ang mga kabataan ay dapat hayaang magsalita ng kanilang saloobin. Lahat nang kabataan o estudyante ay may karapatang magsalita kabilang ang pagprotesta sa kalsada.

Dapat magbitiw si Cardema sa puwesto dahil sa kawalan nang nalalaman sa karapatan ng mamamayan na magsalita ng saloobin.

vuukle comment

RONALD CARDEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with