^

Punto Mo

EDITORYAL - Delinquent employers, tugisin ng SSS!

Pang-masa
EDITORYAL - Delinquent employers, tugisin ng SSS!

ITATAAS ang contribution rate ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) ngayong taon na ito. Ito ay alinsunod sa batas na nilagdaan ni President Duterte noong nakaraang linggo. Nakasaad sa Republic Act No. 11199 o Social Security System Rationalization Act itataas ang contribution rate ng 11 percent ngayong taon na ito at tatagal hanggang 2025. Ginawa ang pagtataas para umano tumagal ang buhay ng pension fund at marami pang miyembro ang makinabang.

Pero ang increase ng premium ay tila hindi akma sapagkat marami palang employers na delenkuwente at hindi nagre-remit ng kontribusyon ng kanilang manggagawa. Bilyong piso ang hindi nakukolekta ng SSS. Sinabi mismo ni SSS President and Chief Executive Officer (CEO) Emmanuel Dooc na mayroong P13.8 billion na uncollected contributions and penalties ang pension fund.

Sinabi ito ni Dooc makaraang ipahayag ni sena-torial candidate Neri Colmenares na P437 bilyon ang uncollected contributions ng SSS. Hindi raw ito totoo sabi ni Dooc, sapagkat ang Commission on Audit mismo ang nagsabi. Ayon pa kay Dooc, napupulitika lamang umano ang SSS. Lagi raw lumilitaw ang ganitong isyu kapag panahon ng election.

Ganunman, lumalabas pa rin na malaki talaga ang uncollected contributions at penalties ng SSS. Ang P13.8 billion na hindi nakokolekta ay mara-ming magagawa sa pension fund kung magkakaroon lamang ng sigasig ang mga opisyal sa SSS. At ayon sa report, matagal na itong hindi nakokolekta na dapat sana ay unahin kaysa magdagdag ng monthly conributions ng miyembro.

Habang gusto ng SSS na itaas ang contributions, patuloy din naman ang tinatanggap na malaking suweldo at bonuses ng mga opisyal ng pension fund. Habang nakukuba ang miyembro sa pagbabayad ng contributions, marami namang bulsa ng SSS officials ang namumutiktik sa rami ng laman. Sana, bago magpatupad ng increase sa contributions, singilin muna ang delinquent employers para malaman kung dapat magtaas o hindi. Hangga’t hindi nasisingil ang mga pasaway na employers, huwag munang mag-increase ng contributions ng miyembro. Tugisin muna sila at pagbayarin.

vuukle comment

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with