^

Punto Mo

Narco-list ilalantad ba bago ang halalan?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mahigit  sa 70 kandidato na nasa narco- list ang nakatakdang isapubliko ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) bago mag-midterm elections sa Mayo.

Sa naturang bilang,  50 dito ay tumatakbo sa mayoralty race.

Layunin nang pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga kandidato ay para mabigyang gabay at maging basehan ng publiko sa kanilang pagboto.

Sa ngayon, ayon pa sa DILG ay patuloy pang bina-validate ang naturang listahan.

Hindi nga ba’t noong nakaraang taon ay pinuna ng ilang opisyal ang naturang listahan dahil ilan sa mga nakasama rito ay matagal nang patay at ang ilan naman ay hindi na nagsisilbi sa pampublikong tanggapan.

Kaya ayon sa DILG, kailangang ma-validate ito nang husto.

Ang puna naman dito ng ilan, kung ma-validate at may mga ebidensya nang magtuturo sa mga ito na dawit nga sila sa droga, bakit hindi sampahan ng kaukulang kaso at hulihin.

Baka nga kasi maging trial by publicity ang mangyari.

Kung ibubulgar ang mga pangalan ng mga ito, hanggang doon na lang ba?

Mas marapat lang marahil na hindi lang pangalanan, ihayag na rin nila kung sa paanong paraan nadawit ang mga ito sa illegal na droga, ilantad na rin ang mga kaukulang ebidensya na ito mismo ang magbibigay ng matibay na pag-gabay sa publiko sa kanilang pagpili sa dapat nilang iboto.

Kung pangalan lang ang ilalantad at hindi ang mga matitibay na ebidensya, baka isipin lang ng botante na sinisiraan ang isang kandidato, lalu na siguro kung hindi kaalyado ng gobyerno.

Matagal na ang nasabing narco-list, taon na nga yata ang itinagal, ilang ulit na marahil itong na-validate ng mga kinauukulan, ang inaasahan ngayon ay ang anong aksyon na ang nagawa o kung nasampahan  na ng kaso ang mga ito..

Nakakaalarma talaga  kung ang kandidatong maiboboto ay dawit sa illegal na droga..

Kaya nga dapat ding maging matalino ang mga botante sa kanilang pagboto.

Sa huli ,sila rin ang titimbang sa kanilang mga kandidato, kung makakabuti ba ito sa karamihan o may dala itong panganib lalu na sa kabataan dahil dawit nga sa illegal drugs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with