^

Punto Mo

Boyet Kalabaw, nag-iikot sa Camanava!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

BINARIL sa isang tupadahan si alyas Robert Pancho o Ka Bert sa Caloocan City noong nakaraang Lunes. Si Ka Bert mga kosa ay tong kolektor at hanggang sa ngayon ay wala pang linaw ang kaso niya dahil takot magreklamo ang kanyang pamilya para humingi ng hustisya.

Kung sabagay maraming anggulo ang kaso ni Ka Bert at ang nakalulungkot lang ay palaging nasa dulo nito ay pitsa. Araguuyyy! Siyempre, dahil tong kolektor siya hindi maiwasan na may masaktan si Ka Bert, lalo na kung rusher siya o ‘yung palaging may sad story para tumaas ang tara ng amo niya para may pansarili siyang kita, di ba mga kosa?

Kung sabagay, hindi lang naman si Ka Bert ang tong kolektor sa PNP kundi marami pa. At kadalasan ay aktibo pa ang mga ito sa hanay ng puilsya kaya lugi ang gobyerno ni President Digong sa kanila dahil itinaas na ang suweldo nila, aba may sideline pa sila, di ba mga kosa?

Hindi lang ‘yan! Sa pag-iikot nitong mga tong kolektor ay nakakatulong  para bumaho ang imahe ng pulisya, di ba PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde Sir? Hak hak hak! Open secret naman kung sinu-sino ang mga tong kolektor sa PNP dahil bilad ang pangalan nila sa kalye, di ba mga kosa?

Hindi naman kasi kaila sa atin mga kosa na marami na ring tong kolektor ang napaslang nitong nagdaang mga taon at karamihan sa kanila ay mga matatalas na kinanamumuhian ng financiers o gambling lords.

Pero dito sa kaso ni Ka Bert may umuugong na balita na nakunan ng CCTV footage ang pagbaril sa kanya at ang masakit lang may kamukha na pulis ang gunman. Sinabi ng mga kosa ko na kung iimbestigahang maigi ang kaso ni Ka Bert, aba tiyak sesemplang ang gunman at goodbye na lang sa lahat ng benefits niya. Araguuyyy! Sinabi ng mga kosa ko na si suspected gunman ay nagrereport pa sa opisina niya na parang walang nangyari. Hak hak hak! Patay malisya pa eh, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kilala naman si Ka Bert sa hanay ng mga tong kolektor na panay delay kung mag-remit ng kanyang koleksiyon. Kung anu-ano na ang dahilan niya, pero ang pinaka ay ang pagsunog niya ng pitsa sa tuition ng mga anak niya. Patok, di ba mga kosa?

Kaya nitong mga nagdaang panahon, padalas nang padalas ang pag-delay ni Ka Bert ng ingreso niya kaya binitiwan na siya ng mga amo niya. Kaya para kumita at mapakain ng tatlong beses ang kanyang pamilya, aba luminya sa taga-nguso ng mga puwesto, lalo na ang tupadahan si Ka Bert, Siyempre, ang mga tupada sa ngayon mga kosa ay kalimitang mga pulis na ang nagpapatakbo at marami na ang naiinis sa kanya.

Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kapag inimbestigahan ni NPD director Chief Supt. Rolando Anduyan ang kaso ni Ka Bert, tiyak magkaroon ng hustisya ang pagkamatay niya! Tumpak!

Habang nakaburol pa si Ka Bert, aba nag-iikot naman si Boyet Kalabaw sa Camanava area. Hulihin mo nga si Boyet Kalabaw Gen. Anduyan Sir, bago may mangyaring masama sa kanya. Abangan!

vuukle comment

CAMANAVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with