^

Punto Mo

40% share of national taxes para sa LGUs, itinutulak ni Marcos

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

SINUSUPORTAHAN ng  League of Provinces of the Philippines my Philippines ang senatorial bid ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos, tungkol sa kanya “no non-sense’ na pagganap sa mga pampublikong serbisyo at para sa pagpapabuti ng buhay ng madlang Pinoy partikular sa mga kanayunan.

Itinataguyod ni Imee, para sa walang pasubaling at awtomatikong pag-papalabas ng 40% para ibahagi sa lahat Ang pambansang buwis ng mga lokal na yunit ng pamahalaan.

 Sa isang resolusyon na inilabas kamakailan, ang LPP ay naglalarawan kay Marcos bilang “isang mahusay at mabisang lokal na pampublikong opisyal.” Isa lamang si Imee na makakagawa nang pangitain ni Boss Digong na bumuo ng isang mas malakas at mas progresibong republika.

Ang LPP, na nangalap ng lahat ng gobernador mula sa 81 lalawigan sa Philippines my Philippines, ay nagpahayag ng tiwala kay Marcos na dadalhin nito sa Senado ang mga alalahanin ng mga lokal na pamahalaan at mga lokal na opisyal ng pamahalaan upang mapalakas ang local autonomy at masiguro ang lokal na pag-unlad.

Inilalaban ni Marcos ang agarang paglabas ng 40% mandated “just share” ng LGUs of Internal Revenue Allotments- nakalkula sa batayan ng lahat ng pambansang buwis na nakolekta at hindi lamang mula sa national internal revenue taxes.

Sinabi ni Marcos, ang LGUs ay nakakatanggap lamang ng 16% ng kanilang national taxes share sa halip ng 40%.

Tirada ni Marcos, na talagang hindi sapat. Bilang isang kandidato galing mula sa hanay ng mga lokal na opisyal ng gobyerno, alam ko kung ano ang pakiramdam ng mga local exe­cutives. Ang aming badyet ay kulang pagdating sa paghahatid ng mga serbisyo sa aming mga nasasakupan.

Sabi nga, may Supreme Court ruling  sa 40% IRA share ng LGUs pero ang  customs duties, excise tax, documentary tax at stamp tax  ay tinanggal mula sa pag-compute ng IRA.

Sabi ni Marcos, ang IRA share ng LGUs ay dapat na inilabas awtomatiko nang walang nangangailangan ng yearly  appropriations.

“Kapag ang ating mga kababayan ay may problema, pumunta sila sa aming lokal na opisyal ng pamahalaan. Kaya kailangan nating matulungan ang mga LGUs sa pamamagitan ng pagtiyak na natanggap nila ang kanilang ‘just share.’ tirada ni Marcos. 

Alam ni Imee, na higit sa 50% ng mga mahihirap ay nasa mga kanayunan at ang mga LGUs ang front liners sa paglaban sa kahirapan. Kailangan nila lahat ng mga mapagkukunan kaya naman maaari silang mag-ipon upang matugunan ang problema ng kahirapan sa rural areas.

Noong Hulyo noong nakaraang taon, idineklara ng Korte Suprema ang “just share” ng LGUs, dapat ito ay batay sa lahat ng pambansang buwis.

Si Marcos ay tumatakbo sa isang platform ng pag-aalay ng kongkretong solusyon sa mga problemang gumagambala sa Philippines my Philippines, kabilang ang pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin at ang smuggling at over-importation ng mga produktong agrikultural na pumapatay sa kabuhayan ng mga ordinaryong magsasaka. 

vuukle comment

MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with