^

Punto Mo

Trabahong pulis sa NAIA, security guard nga ba?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

KAMAKAILAN ay ibinulgar natin ang kapansin-pansin na problema ng Advance Security Agency dahil sa kulang-kulang ang itinatalaga nilang mga guardya sa NAIA sa hindi malaman dahilan.

Sabi nga, sa mahigit 100 security guards na dapat i-talaga sa NAIA Terminal 3  ay 60 to 80 sekyu lamang ang present dito.

Bakit kaya?

Ika nga, maraming absent kaya tuloy ang mga sekyu na naka-duty sa NAIA Terminal 3 ay inaabot ng halos apat na araw sa pagdu-duty dahil wala silang kapalit kaya tuloy hilong talelong ang mga ito sa puyat? Hehehe!

Totoo kaya ito?

Kambiyo issue, ikinanta sa atin ng mga nagmamalasakit na ‘spy’ d’yan ulit sa NAIA T3, iyong maraming butas ng sekyu ng Advance Security Agency, ay pinupuno na nila o tinakpan ang mga butas na walang guardya pero anang sumbungero ay kulang pa rin.

Ayon sa sumbong, binunot diumano nila ang mga detail sekyu sa parking at sa traffic. Sa madaling salita iyong mga sekyu sa labas ay ipinasok sa loob para mapunuan .

Eto ngayon matindi, ang inilagay o ipinalit nila diumano sa mga parking at traffic areas ay yong mga bagong PNP personnel sa NAIA ang mga naka-poste sa puesto ng guardya?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

At ang balitang kumakalat diumano babayaran ng Advance ang PNP na kasing rate ng daily guardya?

Totoo kaya?

Sabi nga, ang tawag nila umano sa bayad ay allowance para hindi makasuhan ng double compensation?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinasabi nakipag-usap diumano ang management ng Advance sa umano’y opisyal ng Aviation Security Group  at iyon  diumano ang napag-cashunduan?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinasabing isang buwan daw yata ang ganoong sistema?

Ano ba ito?

Sino kaya ang kumita rito?

Abangan. 

• • • • • •                     

Si Rep. Nograles vs. Kapa Community Ministry

Sa kabila ng ginawang babala na ibinigay ng Securities and Exchange Commission sa pagkakaroon ng isang bagong grupo na diumano’y “ponzi scheme” sa Mindanao.

Ikinanta ni Puwersa Ng Bayaning Atleta Partylist Rep. Jericho Nograles na lubos na aktibo pa rin ang pagkalap ng mga malolokong  mamumuhunan sa General Santos City, Davao City, Bislig at sa karamihan ng mga lugar sa Central at Southern Mindanao ng ibinibida niya.

Nananawagan si Nograles sa NBI nang agarang pag-aresto at neutralisahin ang operasyon ng isang grupo na tinatawag na ‘KAPA Community Ministry’ International, Inc, na dahil sangkot diumano sa large-scale investment na katulad ng Aman Futures Group na bumiktima sa halos 12,000 madlang people sa Mindanao at nagtakbo ng  P12 billion cash.

 Sabi ni Nograles, hindi biro ang grupong ito kaya dapat na itong kalusin. Abangan.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with