^

Punto Mo

EDITORYAL - Dagdag na tax sa sigarilyo

Pang-masa
EDITORYAL - Dagdag na tax sa sigarilyo

ISANG paraan para makaiwas sa kamatayan na dulot ng paninigarilyo ang mga Pilipino ay itaas ang buwis ng produkto. Kapag itinaas ang buwis, tataas ang presyo ng sigarilyo. At dahil mataas mapipilitan ang marami na tumigil na sa paninigarilyo.

Makakaligtas sa pagkakaroon ng lung at throat cancer, stroke at sakit sa puso ang smokers. Ang mga nabanggit na sakit ang dahilan ng kamatayan sa bansa.

Ayon sa grupong Sin Tax Coalition, mula nang ma-implement ang Republic Act 10351 o Sin Tax Reform Law na nag-iimposed sa P20 excise tax sa sigarilyo, bumaba ang bilang ng mga nagkakasakit. Tinatayang 70,000 Pilipino ang nakaiwas sa pagkamatay dahil sa sigarilyo. Marami umano ang tumigil sa paninigarilyo mula nang taasan ang buwis.

Ayon kay Dr. Tony Leachon ng Sin Tax Coalition, apat na milyong smokers ang tumigil na sa bisyo mula 2012. Hindi na umano kaya ng smokers ang mataas na halaga ng sigarilyo. At ang pinakamabu-ting paraan na ginawa ng mga naninigarilyo ay itigil ito. At maganda ang resulta sapagkat marami ang naisalba ang buhay. Marami ang nakaiwas sa cancer sa baga at sakit sa puso.

Nang humarap sa Senado ang grupo ni Leachon noong Lunes, inihihirit nila ang bagong round ng ‘‘sin tax’’. Sinusuportahan umano nila ang panibagong pagtataas para lalo pang ma-discourage ang mga Pilipino na manigarilyo.

Iniulat naman ng Philippine General Hospital (PGH) na bumaba ang bilang ng kanilang mga pas-yente na may cancer sa baga, sakit sa puso, na-stroke at iba pang respiratory diseases na may kaugnayan sa paninigarilyo.

Nararapat suportahan ang muling pagtataas ng tax sa yosi. Kung ito lamang ang tanging paraan para mailigtas ang marami sa pagkakasakit, patawan pa ng tax ang sigarilyo. Sa kasalukuyan, hindi lamang ang mismong smokers ang nagkakasakit kundi pati na rin ang mga nakakalanghap ng second hand smoke.

Itaas ang tax sa sigarilyo para marami ang makaligtas sa kamatayan. Ito ang dapat itaguyod sa kasalukuyan.

vuukle comment

TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with