^

Punto Mo

Tusong insurance, nagbabait-baitan, sinampolan!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

WALANG katapusang reklamo ang inilalapit sa amin ng mga nadedenggoy ng mga putok sa buhong insurance company. Tipong sila na nga nakaperwisyo, sila pa ‘tong umaastang agrabyado.

Si Nemia Dimaranan, nagrereklamo, ang pinakabagong biktima ng mga buwisit na insurance company. Ang kuwento, wasak ang kanyang sasakyan matapos mabangga ng Mayamy Bus

Nangyari ang aksidente sa Regalado, Fairview, Quezon City. Agad rumesponde ang pamunuan ng bus company. Nagbigay ng detalye kung paano mareresolba ang problema gamit ang kanilang insurance.

Sinabing 10 araw lang ang hihintayin, maaasikaso na ang sasakyan. Nagdaan na ang Pasko at 2019, pinagpasa-pasahan lang ang ginang na parang ping pong.

Umasa sa puro pangakong napako at naging kawawa sa huli. Desperado kaya lumapit na sa BITAG Kilos Pronto.

Agaran kong binigyan ng instructions ang aming strike force, kasama ang mga operatiba, na bisitahin ang inirereklamong Marti Insurance Services.

Lingid sa kaalaman ng mga pulis at ng BITAG Strike Force, tumimbre na ang barangay sa insurance company. Tila walang naririnig at hindi pinapansin ang katok ng aming staff. Nagsipagtago ang mga empleyado sa opisina na parang mga dagang nakulong sa lungga.

Hindi tinantanan ng BITAG ang insurance company. Di nagtagal, pinagbuksan din kami ng pinto ng mga putok sa buho.

Walang halong pagtataka na tila inaasahan na nila ang aming pagdating. Pinagmalaki pa ng mga kumag na sanay na sila maireklamo at magkaroon ng media exposure. Kung ganun, wala pala silang mga kwenta tutal lapitin sila ng problema.

Hindi kami lumayas hanggang hindi sila naoobligang panagutan ang kanilang responsibilidad sa nagrereklamo. Ang dami pang pasikot-sikot at daldal. Bandang huli, tumiklop din at umamin ng pagkukulang. Nangakong aayusin ang problema sa lalong madaling panahon.

Uploaded sa aming official Youtube Channel na BITAG Official ang video. Part 1 pa lang ito, may mga susunod pa. Hindi sila titigilan ng BITAG hanggang di naaayos ang problema.

vuukle comment

INSURANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with