^

Punto Mo

Benepisyo ng paglalakad

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA lahat ng uri ng ehersisyo, isa sa mga higit na inirerekomenda ng mga health expert, scientist at ibang dalubhasa sa medisina at kalusugan ang paglalakad. Ito kasi ang ehersisyong madaling gawin ng sino man, bata o matanda, kahit anong oras at saan mang lugar nang walang kailanganing gastusin kaya matipid.

 

Hindi na kailangan ang anumang mga gadget para gawin ito. Isa ito sa mga ehersisyong napakababa ng bilang ng mga nasasaktan o nagkakaroon ng pinsala sa katawan.

Kabilang din ang paglalakad sa mga klase ng ehersisyo na lubhang dumaan sa maraming pag-aaral at pananaliksik. Ito umano ang pinakamagaling na paraan para mapabuti ang pangkalahatang kalusugan at mapahaba ang buhay ng isang tao.

Batay sa mga pag-aaral, ang mga tao na mas maraming beses naglalakad kaysa sa umuupo ay mayroong mas mababang body mass index (BMI) na isa sa mga indicator ng obesity. Nasa normal healthy range ang kanilang BMI.

Sa paglalakad, nababawasan nang pitong porsiyento ang peligrong magkaroon ng high blood pressure at high cholesterol.

Ang mga mahilig o madalas maglakad ay nababawasan nang 12 porsiyento ang pa-nganib na magkaroon ng type 2 diabetes. Bumubuti rin ang memory at cognitive functions ng mga naglalakad. Mas gumaganda ang kakayahan nilang tutukan ng atensiyon ang isang bagay at magpalipat-lipat ng iba’t ibang gawain. Sa isang pag-aaral, lumabas na merong koneksiyon ang paglalakad sa greater volume ng gray matter ng utak na isang sukatan ng kalusugan ng utak.

Tulad ng ibang uri ng aerobic exercise, ginigising ng paglalakad ang produksyon ng neurotransmitter sa utak (tulad ng endorphins) na tumutulong na mapabuti ang mental state ng isang tao. Bumababa ang stress at pinapaganda ang kanyang mood.

Natuklasan din ng ilang mga researcher na ang paglalakad nang halos tatlong oras kada linggo ay kunektado sa 11 porsiyentong bawas sa peligro ng maagang pagkamatay kumpara sa hindi gaanong naglalakad o ganap na walang ginagawa.

Sinasabi rin na ang minimum na rekomendasyon para sa mabuting kalusugan ay 30 minutong moderate intensity walking sa loob ng limang araw kada linggo.

-oooooo-

Anumang reaksiyon sa kolum na ito ay i-email sa [email protected]

vuukle comment

HEALTH EXPERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with