^

Punto Mo

EDITORYAL - Babala sa mga nagpaparumi sa Manila Bay

Pang-masa
EDITORYAL - Babala sa mga nagpaparumi sa Manila Bay

TULUY-TULOY na ang paglilinis sa Manila Bay. Wala nang makapipigil pa kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sapagkat sobra nang dumi nang makasaysayang Manila Bay. Ayon kay Cimatu, sisimulan na sa lalong madaling panahon ang paglilinis dito.

Bilang pasimula, binisita na ni Cimatu noong nakaraang linggo ang mga estero na hinihinalang pinagmumulan nang maraming basura na bumabagsak sa Manila Bay. Una niyang ininspeksiyon ang Estero de San Antonio Abad sa Malate, Manila. Suspetsa ni Cimatu, dito nanggagaling ang mga basura na nakikita sa Manila Bay. Dito rin nagmumula ang maruming tubig na nanggagaling naman sa Manila Zoo. Direkta umano sa estero ang maruming tubig sa zoo dahil wala itong sewage treatment plant (STP).

Nagbabala si Cimatu sa management ng Manila Zoo na gumawa ng sariling STP o kasuhan sila. Ayon kay Cimatu, nakasaad sa batas na dapat may sariling STPs ang lahat nang establisimento. Sa ilalim ng Republic Act 9275 o ang Philippine CleanWater Act of 2004, nararapat na masiguro ang kalidad ng tubig at malutas ang iba pang environment problems sa Manila Bay.

Hindi lamang ang Manila Zoo ang binalaan ni Cimatu kundi lahat nang mga establisimentong nakapaligid sa Manila Bay. Binigyan ni Cimatu ng 3 buwan ang mga establishment para gumawa ng sari­ling STP. Mahigpit umano niyang ipapatupad ito. Ito aniya ang unang hakbang para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Tatlong phases ang gagawin para sa lubusang rehabilitasyon: una ang paglilinis sa mga basura at ang improvement ng kalidad ng tubig; ikalawa ang rehabilitasyon at ang ikatlo, protection at pagpa­panatiling malinis ang makasaysayang Manila Bay.

Mukhang desidido si Cimatu na gamitin na ang “kamay na bakal” laban sa mga nagpaparumi ng Ma­nila Bay. Mabigat ang mga kalaban niya sapagkat malawak ang Manila Bay. Maraming bayan at lungsod ang nakapaligid dito. Maraming malalaking­ pabrika na nagluluwa ng lason at iba pang naka­sisira sa kapaligiran. Mabilis niyang nalinis at napa­bango ang Boracay sapagkat maliit lang ang isla at maliliit lang ang establishments. Dito sa Manila Bay, marami siyang makakalaban.

Kailangang tulungan at suportahan si Cimatu sa paglilinis ng Manila Bay. Maililigtas pa ang makasaysayang lawa kung magkakaisa at magtutulungan.

vuukle comment

ROY CIMATU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with