^

Punto Mo

Kabastusan ng ahensiya, pinamukha sa BITAG at pulisya

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI biro ang maghanapbuhay sa ibang bansa. Matinding sakripisyo ang kailangang tiisin makapagprovide lang sa mga mahal sa buhay.

Sa hirap pa lang ng trabaho at pangungulila sa pamilya, halos mamatay ka na. Paano pa kung wawalanghiyain ka pa?

Biruin mo, gumastos makapagtrabaho lang sa banyagang bansa, wala kang kakilala, tapos bugbog ang maipupundar mo. Ito ang labis-labis na paghihirap na dinanas ng isang OFW.

Nagreklamo sa BITAG Kilos Pronto. Agaw-buhay… hindi hanapbuhay ang nangyari.

Dalawang taon ang pinirmahang kontrata sa Riyadh. Di nasunod dahil sa kung saang lupalop siya ng Saudi napunta. Sa tahanan ng mga demonyo at demonya.

Dito pa lang, nagpanting na ang tainga namin. Unsound ang kanilang business practices, tulad ng daan-daan nilang kabaro.

Ang 2 taon, naging 2 linggo. Bumalik na agad sa Pilipinas. Sa loob ng 2 linggong ‘yon, pangmamaltrato ang kanyang natamo.

Binubugbog, sinasaktan at muntikan pang ihulog sa hagdan. Alam ng agency niyang Skyhigh Manpower Recruitment ang kanyang kalagayan.

Naghihirap na nga ‘yung pobre, ayaw pang umaksyon. Ang gusto, pagkakitaan muna at ilipat sa ibang employer.

Pera-pera na lang ang labanan sa recruitment agencies. Di na bago sa amin ito. Wala ng pakialam sa kapakanan ng taong pinapadala. Magtataka ka kung bakit pa binigyan ng lisensiya.

Kaya kami, ayaw namin na mayroon pang mga recruitment agencies. Gawing government to government na lang ang siste sa pagpapadala ng mga OFWs.

Redundant at inutil naman ang napakaraming recruitment agencies. Kapag oras naman ng pangagailangan, hindi mo maasahan.

Kilos Pronto, kinumpronta namin ang bastos na ahensiya. Sa harap ng BITAG at women’s desk ng Manila Police District, pinamalas ng agency ang kanilang taglay na kabastusan.

Nagtuturuan pa kung sino ang haharap sa aming grupo. Hindi maalala ang pangalan o makilala man lang ang aplikanteng pinadala sa ibang bansa.

Sinubukang magmatigas at ayaw makipag-usap. Ang ending, nakatikim.

Tameme na lang habang naglalabas ng sama ng loob ang OFW. Problemado dahil wala na ngang napala, minaltrato pa, tapos may utang pa sa lintek na lending.

Humingi ng paumanhin ang manager ng Skyhigh Manpower; wala naman silang choice. Tinablan din ng hiya kaya tumanggap ng responsibilidad at pananagutan. Kung sakaling nagmalinis pa sila, gibaan na ang ibibigay namin.

Hindi pa tapos ang sumbong na ito dahil maghaharap pa sila sa POEA. Sisiguruhin naming makakakuha ng hustisya at danyos-perwisyo itong naagrabyado at mga susunod na magrereklamo. Taga n’yo sa bato. Si BITAG makakaharap n’yo.

vuukle comment

PULISYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with