^

Punto Mo

EDITORYAL - Tulungan na huwag kumapit sa Bombay

Pang-masa
EDITORYAL - Tulungan na huwag kumapit sa Bombay

SA pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), marami ang nagsasabi na sila ay naghihikahos sa buhay. Bagama’t may nagsasabing maganda ang tingin nila sa 2019, mas marami ang nagsasabi na pahirap nang pahirap ang kanilang buhay at pinuproblema kung saan kukunin ang kanilang kakainin sa maghapon.

Sa ganito kahirap na sitwasyon, tiyak na marami ang kakapit sa patalim. Marami ang aasa sa mga nagpapautang kahit na may malaking interes. Kailangang gumawa sila ng paraan para hindi magutom ang pamilya. Kahit sobrang taas ng tubo sa ‘‘5-6’’ pikit-mata na lang. Mas madaling umutang sa nagpapa-‘‘5-6’’ dahil wala nang hinihinging ID o anumang dokumento.

Pero galit si President Duterte sa mga nagpapa-‘‘5-6’’. Masyado raw malaki ang tubo. Binalaan niya noong 2016 ang mga Bombay na ipade-deport kapag nagpatuloy sa pagpapautang nang malaki ang tubo. Sinabi ng Presidente na mali ang ginagawa ng Indian nationals.

Sobra-sobra ang tubo --- 20 percent. Kung saan-saan daw nagpapahiram ng pera ang mga Bombay. Dahil dito sasabihin daw niya sa Indian ambassador ang burden ng Pilipino na pinapaluhod talaga dahil sa laki ng interes. Kailangan daw pagsabihan ng Indian ambassador ang kanyang mga kababayan.

Mga maliliit na tindera sa palengke ang karaniwang nasasadlak sa mga Bombay na nagpapa-‘‘5-6’’. Pati mga magsasaka na naapektuhan ng bagyo ang kanilang mga pananim ang umuutang sa “5-6” ngayon. Wala silang mapuntahan kaya sa ‘‘5-6’’ sila umaasa.

Nararapat na mailigtas sa “loan sharks’’ ang mga tindera at magsasaka. Hindi sapat na balaang “papatayin ang mga nag-‘‘5-6’’ kundi gumawa nang pangmatagalang solusyon para hindi na kumapit dito ang mga tindera at magsasaka.

Gumawa ng paraaan ang pamahalaan kung paano mapapautang ang mga nangangailangan na walang malaking tubo. Magkaloob ng puhunan sa mga nangangailangan na wala nang kolateral. Kung ganito ang gagawin, wala nang lalapit sa Bombay at iba pang nagpapautang. Kusang mamamatay ang mga nagpapautang na Bombay sa paraang ito.

vuukle comment

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with