^

Punto Mo

Pangho-hostage sa passport ng aplikante, bawal ‘yan!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA hirap ng buhay, marami sa’ting mga kababayan ang napipilitang mangibang-bansa matustusan lang ang panga-ngailangan ng pamilya. Habang patuloy na dumarami ang bilang ng nagiging OFWs, patuloy rin ang pagdagsa ng mga sumbong na may kaugnayan dito.

Kalimitang hinaing, pag-hostage ng ahensiya at hindi pagsauli ng mga pasaporte. Matagal nang problema pero marami pa ring biktima.

Reklamo ng isang ginang, ayaw nang ibalik ng agency ang kanyang passport. Ang dahilan, hindi pa kumpleto ang bayad sa training center.

Gasgas na estilo ng mga ahensyang galawang dorobo. Gagawing collateral ang passport ng tao. Oras na magkaproblema, hawak nila sa leeg ang pobreng aplikante.

Maraming ahensiyang ganito ang gawain ang inilapit sa amin. Lahat sila, nakatikim.

Hindi kami magsasawang ulit-ulitin hangga’t may aping aplikante. Hindi maaaring kuhanin, itago o kumpiskahin ng sinumang Hudas, Barabas at Hestas ang pasaporte ng isang tao. Walang ibang may karapatang humawak ng passport ng isang indibidwal kundi ang may-ari nito o ang gobyerno.

Kilos pronto naming inaksyunan ang reklamong ito. Sinugod ng aming grupo ang inire-reklamong ahensiya.

Nung una… nakikipagmatigasan pa’t ayaw magpatalo ng mga staff ng agency.

Sinubukang makipagmatigasan pero kalauna’y natauhan. Walang kahirap-hirap, walang palag, walang mainitang diskusyon… binalik ang passport.

Wala naman kasi silang choice. Mali ang ginagawa nila kaya kailangang isuko ang passport, sa ayaw nila’t sa gusto.

Simple lang ang aming mensahe sa mga recruitment agency na ganito ang gawain: Kahit nasaan ka pa o sino ka pa, lulusubin namin kayo. Hindi kami nagbibiro.

Bibisitahin namin kayo, eyeball to eyeball. Trained ang aming grupo. Kung magsisiga kayo, tatapatan namin ang kaangasan n’yo sa lengguwaheng maiintindihan n’yo.

Ito ang kakaibang estilo ng aming public service! Aksyon, hindi upo. Kilos Pronto, hindi satsat. Kahihiyan kapag kami ay bumista sa inyong opisina.

Muli, paalala ng gobyerno at ng pambansang sumbungan… BITAG Kilos Pronto. Walang sinuman ang dapat humawak ng passport maliban sa estado at taong nakapangalan dito.

vuukle comment

PAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with